Nakailang balik na ‘ko sa banyo. I kept sh*tting and throwing up. Sumama ang pakiramdam ko kaninang umaga pagkatapos kong uminom ng kape. Akala ko noong una ay simpleng pagkulo lang ng tyan kaya hindi ko pinansin. Nakapunta pa nga ako sa pinatawag na department meeting ni Sir Edward. Nag-assign ulit siya ng panibagong trabaho sa ‘kin. Apparently, kailangan daw ng tulong ng promo team dahil may mga bagong artists ang RSE. At sino ang inalay ng department namin? Syempre, ako na naman. I guess it’s just a matter of time bago nila ako ipatapon sa ibang department dahil lang ayaw nilang mapag-initan ng management. Na-stress tuloy ako ng sobra dahil dito na mukhang ‘di nakatulong sa masamang pakiramdam ko. Anyway, after that meeting, I decided to have an early lunch. Naisip ko kasi na baka

