Napatingin ako sa mga kamay namin ni MJ na magkahawak. And as much as I badly want him to hold me right now, to help me get through the pain, I knew it would soon cause him trouble. At ayaw kong mangyari ito. Kaya pilit akong bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko bago pa man kami tuluyang makalapit sa pinto ng opisina. “Wait lang,” sabi ko sa kanya. “Bakit? May mali ba sa ayos ko?” tanong niya na para bang posibleng magkaroon ng panget sa kanyang itsura. Kahit yata anong isuot niya ay bagay sa kanya. Magaling kasi siyang magdala ng damit. Kaya nga kahit nakasuot lang siya ngayon ng white shirt at black leather jacket, artistahin pa rin ang dating niya. Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang lagpasan si Elijah. “Wala. Okay ang itsura mo pero ito ‘yung hindi okay,” sabi ko sa kanya sab

