Hindi ko napansing may tumakas na palang luha sa gilid ng mga mata ko. Kaya nang mag-vibrate ang phone ko ay agad ko itong pinunasan. Nakita kong si Quinn ang tumatawag. At dahil alam kong mangungulit ito nang mangungulit ay sinagot ko na agad ang tawag. “Bakla! Ano bang nangyari sa ‘yo? Hinanap ka ni MJ sa ‘kin. Naglayas ka na ba at nagpakalayo-layo?” bungad niya. Halatang naalarma rin sa nangyari ngayong hapon. “Baliw. Hindi. Ina-acid lang ako kaya umuwi ako ng maaga.” “Loka ka talaga! Nagkape ka na naman siguro ng walang nilalafang. Ang tigas din kasi talaga ng ulo mo.” “Oo na. Ako na nga ang may kasalanan. Happy?” “Okay ka na ba ngayon?” “Oo. Kinakaya naman.” “Pero wait. Ang chika ni MJ nakapunta ka sa contract signing. Hindi pa masakit ang tyan mo kanina?” “Masakit na. Tumak

