It’s day two of being a girlfriend s***h indifferent human to MJ. Dahil nadala ko ‘yong papel na binigay sa ‘kin ni Sir Edward kahapon, paggising ko ay ito agad ang pinagtuunan ko ng pansin. Alam kong pinahiram ako sa promo team kahit labag sa loob ko, pero naisip kong gamitin itong diversion. Kaya nga balak ko sanang ibuhos ang buong atensyon ko rito para may dahilan ako para hindi pansinin si MJ. Kaya nga lang ay nadismaya ako nang makita ang unang-una sa schedule ko. It’s a singing workshop for the new RSE artists. Ibig sabihin ay kasali si MJ dito. Kaya kahit pala gusto ko sana siyang iwasan ay hindi pwede. Parte na kasi siya ng trabaho ko ngayon. Kinakabahan lang ako. Hindi ko alam kung anong pwede niyang gawin para gibain ang pader ko. Pero dahil pumalpak na ako kahapon, ngayon

