Pagdating sa camping site, sinubukan kong kausapin si June. Nagprisenta si MJ na tulungan ako kaya siya mismo ang lumapit kay TJ. Ayon lang, ang sabi raw nito’y hindi pa handang kumausap ng kahit sino si June. Naintindihan ko naman ito kaya nirespeto ko ang kanyang desisyon. At habang naghihintay ng pagkakataong makausap siya, sumama na lang muna ako sa mga kaibigan naming nagtipon sa labas ng mga tent. Inabot na ng dilim, gumawa kami ng bonfire kung saan kami nakapalibot lahat ngayon. Tamang-tama ang liwanag at init na dala nito dahil madilim na at malamig din ang ihip ng hangin ngayong gabi. “Si Sunny?” tanong ni Iaree kay Ezekiel nang maupo ito para samahan kami. Pansin kong mag-isa nga lang itong dumating. “Ah nasa tent. She’ll join us later,” sagot naman ni Ezekiel. Hindi ko al

