The game we’re playing is actually a test of friendship. Sino sa amin ang malamang na maging cheater? Bukod kay Quinn, lahat ng mga kaibigan ko ay may kanya-kanyang relasyon. Nasubaybayan ko ang kwento ng bawat isa – kung paano sila nagsimula at sinubok ng tadhana hanggang sa ngayon na masaya na silang nagsasama. We’ve known each other for years now and I can say for sure that no one is capable of cheating on anyone. Kaya kung tutuusin ay hindi dapat maging mabigat ang tanong ni Sunny sa lahat. “Sinech itey na gumagawa ng issue?” tanong ni Quinn. Naningkit ang kanyang mga mata habang tinitingnan kami isa-isa. “Umamin na! Pagkukurutin ko kaya kayo sa singit!” “Ay sus! Baka ikaw ang nagtanong niyan!” balik tuloy ni Reign sa kanya na sinang-ayunan ng iba. “Ay wit! Mas daring ang quest

