Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sinabi ni MJ. Bumigat ang paghinga ko at bumilis din ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko habang pinapanuod si MJ kumain ng payapa. Now that I’m more aware that people are observing us while having lunch, it felt like I was having stage fright. “Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni MJ nang mapansin ang pagbabago sa ‘kin. Lumunok ako at para bang may nakabara sa lalamunan ko. “What should I do? I told you, I’m not good at this. There are so many people here. Paano ako magmumukhang girlfriend mo imbes na best friend lang?” Hindi naman ako ganito pero na-conscious ako ngayon sa mga tao dahil hindi ko napaghandaan ang sitwasyong pinasok ko. It felt like I was put on the spot. At kilala naman ako ni MJ. Alam niyang gusto kong

