Kabanata 53.5

2034 Words

Si MJ magiging artista? Napailing ako. Imposible. Hindi papayag ang pamilya niya lalo na ang mga magulang niya. Baka nga kapag nalaman ng mga ‘to ang pinapasok niya ngayon, mapauwi siya kaagad sa Batangas. Pero may pagka-impulsive pa talaga si MJ. Paano kung ‘di na naman siya makinig sa mga magulang niya at lalo lang silang magkaproblema sa ginagawa niya? Napailing ako ulit. Hindi naman siguro gugustuhin ni MJ na lalo siyang masira sa pamilya niya. Gusto nga sana niyang hingin ang tulong ko para magkaayos na sila eh. “Masakit ba ‘yung leeg mo, Tiffany? Okay ka lang?” magkasunod na tanong sa ‘kin ni Irene kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. Pansin kong pati iba naming mga kasama ay nakatingin na sa ‘kin ngayon kaya binukas-sara ko ang mga mata ko. “I’m sorry, where were we?” Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD