It’s another morning; a new opportunity for a fresh start. Maaga akong gumising at nag-asikaso ng sarili dahil gusto kong makapag-umagahan. I’m thinking of stopping by a fast-food resto or the nearest convenience store like what I used to do living solo. Ayon nga lang, paglabas ng kwarto ko’y napagtanto kong parang ‘di ko na pala ito kailangang gawin. Bumati kasi kaagad sa ‘kin ang mabangong amoy ng bacon at kape galing sa kusina ng unit ko. Unti-unting umangat ang magkabilang dulo ng labi ko dahil naalala kong ganitong-ganito rin ang amoy ng unit ko tuwing umaga noong pinatira ko si MJ sa unit ko ng ilang araw. Araw-araw ko siyang pinapagalitan noon dahil sa pagkilos niya sa lababo ko pero dahil matigas ang ulo niya, araw-araw pa rin siyang nagluluto rito para sa ‘kin. And I guess i

