“Care to explain why you came up with the dumbest idea to stay here for one week when your unit is literally just a few floors above mine?” tanong ko kay MJ ngayong pareho na kaming nasa sala ng unit ko at nakaupo sa sofa. Nakapatong ang isang binti ko sa ibabaw ng hita niya. Kasalukuyan niyang ginagamot ang sugat sa ibabaw ng paa ko. Bumili pala siya ng gamot kanina sa convenience store, ito ‘yong laman ng maliit na supot na dala niya. “It’s easier to coach you and it will also make our relationship more believable—” “So, mas kapani-paniwala kapag nagli-live in tayo?” Lalong nagsalubong ang kilay ko. Wala pa akong nagiging boyfriend pero alam ko naman na hindi lahat ng mag-jowa magka-live in. Kaya hindi niya ‘ko maloloko kung ito man ang balak niya. “Oo pero bago tayo naging mag bo

