Malakas na hangin ang bumabalot sa buo kong sangkatauhan.Madilim na rin ang kalangitan na kahit anumang oras ay bubuhos na ito sa kalupaan.
Magulo at buhaghag na ang aking buhok.Hindi ko alam kung may bagyo ba o wala dahil sira na ang aming telebisyon at wala pa kaming sapat na pera upang maipaayos ito.
Palingon lingon ako sa paligid at nagmamasid kung may sasakyan pa ba ang dadaan. Kanina pa ako nakatayo rito sa may waiting shade. Nangangalay na rin ang dalawa kong paa.
Kanina pa ako rito at nag-aabang ng masasakyan pero mukhang bigo ako. Wala na talaga. Wala na akong pagpipilian kundi ang tumawid at maglakad na lang pero sa kasamaang palad, bumuhos ang napakalakas na ulan.
"Ang malas ko naman. Kung kanina pa sana ako naglakad, eh, hindi sana ako naabutan ng ulan..."nausal ko na lang sa ilalim ng sunod-sunod na patak ng ulan.
Dahan-dahan kong inihakbang ang dalawa kong paa. Nangangatog na rin ang aking tuhod. Napakalakas na ng ulan at basang basa na rin ang aking damit. Kinapa ko ang aking bag. Katulad ng aking damit ay basa na rin ito pati na ang mga kwaderno ko.
Kahit pa nagmumukha na akong pagong dahil sa sobrang bagal ay ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad. Yakap-yakap ko na ang aking sarili, maibsan lang ang ginaw at panginginig ng aking katawan.
Napahinto na lang ako nang maramdaman kong wala ng malakas na patak ng tubig ang bumubuhos sa aking katawan.
"Wala na bang ulan?"takang tanong ko sa aking isipan pero bakit dinig na dinig ko pa rin ang ingay at tunog nito.
Sa hindi ko malaman na dahilan ay mas niyakap ko ang aking sarili.
"Hala,minamaligno na ba ako?"
Magkahalong takot at kaba ang aking naramdaman ngayon. Nilingon ko ang paligid, nagbabasakaling may tao pa akong makita pero maski isa ay wala. Tanging kulog at kidlat lang ang naririnig ng dalawang tainga ko. Para na rin akong basang sisiw pero bakit hindi na ako nababasa?
Napaigtad na lang ako sa gulat nang may maramdaman akong telang ibinalot sa basa kong katawan. Sa halip na matakot ay unti-unti kong inangat ang aking ulo.
"R..rance?"nauutal kong sambit nang makita ang isang pigura na nasa harap ko na. Hindi ko mawari kong tama ba ang pagkakawika ko sa pangalan niya pero base sa nakikita ko ngayon ay tama nga ito.
Tila nahipnotismo ako sa mga mata niyang kulay asul na naging dahilan sa mariiin na pagkatitig ko sa kanya. Nawala yata ang aking ginaw dahil sa presensya niya. Totoo nga ang sinabi ng aking kaibigan na noong nagpaulan ng kagwapohan ay nasalo na ng lalaking ito ang lahat.
Kahit hindi ko siya nakakasalamuha sa paaralan pero alam na alam kong siya si Rance Knight Smith, ang tinatawag nilang Greek God ng Smith Academy. Kaya pala lahat ng mga babaeng nakakita na sa kanya pati na kaibigan ko ay siya lagi ang bukambibig. Maliban sa akin, siyempre.
"Quit staring, Miss" Ang malamig na boses na siyang gumising sa aking katinuan.
"Ahh...ehhh"
Mas lalo akong napaigtad ng hapitin niya ang aking bewang at inilapit sa kanya. Hindi ako nakakibo dahil sa ginawa niya. Kaya pala walang ulan dahil pinapayungan niya ako.
Kanina pa ba siya?Bakit naman niya ako pinapayungan?
Marami akong katanungan pero nahihiya akong ilabas ang mga ito. Sigurado akong kanina pa niya ako pinagtatawanan dahil sa inasal ko. Haysst..nakakahiya ka Elisha.
"Where is your house?"rinig kong tanong niya.
"Ahh...ehhh''
Hindi ko alam kung bakit naging pilipit ang dila ko ngayon. siguro dahil lang sa hindi ako komportable sa kanya. Paano ba kasi? Simula nang maglakad kami ay nakaakbay at inaalalayan ako ni Rance. Swerte na ba ako?
Napahinto ako nang bigla siyang tumigil. Kitang-kita ko kung paano kumunot ang kanyang noo at tumaas ang isa niyang kilay.
"I'm asking you,where is your house? Tsssk"bored nitong sabi.
Naguguluhan ako sa kaniya.
Bakit niya naman tinatanong ang aking bahay kung alam ko naman ito?
"Ahmm..malapit lang naman ang bahay namin dito. Huwag kang mag-alala, kaya ko namang umuwi"saad ko pero wala akong nakuhang sagot sa kanya.
Sa halip,isinuot niya ang jacket sa akin at kinuha ang aking kamay para ipahawak ang payong niya. Nakatitig lang ako sa kanya.
"I'll go ahead"he said.
Sinusundan ko lang ang bawat kilos niya. Naririnig ko na ang paglalakad niya papalayo. He was just wearing a blue shirt and a black pants. Napataas naman ang isa kong kilay nang bigla siyang tumigil. Nanatili pa rin ako sa aking kinatatayuan. Walang imik at hindi pa rin inaalis ang mga mata sa kanya.
"Take care"sambit niya na nakapagtulala sa akin. Ni isang salita ay wala akong naisagot.
Mabilis na nawala sa aking paningin si Rance. Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad na rin pauwi.
Kitang-kita ko na ang ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa aming munting tahanan. Kinapa ko ang aking damit. Medyo basa na rin ang isinuot na jacket ni Rance sa akin.
"Ohh..shit!"
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong hindi ko pala alam kung paano isasauli itong payong at jacket na hawak-hawak ko.
Nanlumo ako dahil alam kong bukas ay tiyak na malaking problema ito.
Rance Knight Smith iyon at hindi basta-basta!!