Kabanata 3

1297 Words
Umagang-umaga pero heto ako ngayon, nakayuko't nanginginig ang mga tuhod. Kulang na lang maging uod at pagong ako dahil sa sobrang bagal. Paano ba kasi?Pinasuot lang naman ako ni Rance ng above the knee na itim na palda na pinaresan ng maikling puting off shoulder shirt. Kanina pa ako hindi mapakali dahil hindi ako komportable sa suot-suot ko.Wala na raw kasi akong pagpipilian dahil ito na lang daw ang mga natitirang damit ng Ate niya na kasya ko. Akala ko nga wala siyang kapatid dahil hindi naman halata. Medyo maayos na rin iyong pakiramdam ko. Ang hindi lang maayos ay iyong t***k ng puso ko. Wala naman akong sakit sa puso pero bakit sa tuwing kaharap ko ang isang 'to ay nagiging abnormal? Nasabi na sa akin ni Rance kung paano kami naging magkaklase gayong una naman siya ng isang taon sa akin. Mga ilang buwan lang naman daw na maging kaklase ko siya kasi may isang subject daw siyang hindi naipasa sa unang semester.Hindi ko na itinanong kung bakit dahil hindi naman ako tsismosa. Alam ko naman na may dahilan kung bakit hindi niya naipasa iyon. Kaya pala balisa at walang tigil sa katitili ang mga kaklase at kaibigan kong si Shara noong araw na iyon dahil pumasok lang naman pala ang nag-iisang Rance Knight ng Smith Academy. "Arayyy ko po!" Napahawak ako sa aking noo nang mabangga ako.Sa pagkakaalam ko ay wala namang harang dito sa hallway ng paaralan. Grabe ang tanga ko talaga. Palingon-lingon ako sa paligid habang pilit pa ring itinataas ang suot kong palda. "Psshhh"Dahil sa narinig kong boses ay inangat ko ang aking ulo. Napaatras ako nang makita si Rance na nakapamulsa habang nakatitig sa akin.Nakalimutan kong kasabay ko pala siyang pumasok pero mas pinili kong magpahuli.Sa kanya pala ako bumangga. Pero bakit ang tigas?Daig niya pa ang bato. "Can't you walk properly?Or you just want me to carry you?" He smirked. Napailing ako."Hindi. Ano kasi...hindi lang ako komportable sa suot ko"nahihiya at nauutal kong saad. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa .Pilit ko pa ring tinatakpan ang hita ko. "Wala namang masama sa suot mo ah" Napatingin ako sa aking kabuoan.Alam kong ito ang mga nauusong kasuotan ngayon pero ang mga ganitong suot ay hindi nababagay sa akin. Iyon ang totoo! "Come on,Elisha.You looked beautiful on that dress, trust me" Naramdaman ko na lang na inangat niya ang aking ulo mula sa pagkakayuko. Ngumiti siya sa akin. Nabuhayan ako ng loob dahil sa ipinakita niya. Nginitian ko rin siya pabalik. "Let's go" Nabigla na lang ako nang hawakan niya ang aking kamay.Pilit kong tinatanggal ito pero hindi ko magawa dahil sa higpit nito. Hilig ba niya talaga ang manghawak ng kamay o sinadya lang?Hayssst...hindi ko alam. "Rance?"tawag ko sa kanya. Napahinto naman siya. Hindi ako manghuhula pero alam kong maraming mga mata ang nakatitig sa akin--sa amin ngayon. At ramdam ko iyon. "Please let go of my hand" Napaharap siya sa akin ng sabihin ko iyon. "Just don't mind them. Don't worry, you're safe as long as you're with me" Napasinghap ako dahil mas Palo pa niyang hinawakan ng mahigpit ang aking kamay na para bang ayaw na niyang bitiwan. "Paano naman ako magiging ligtas?Hindi naman sa lahat ng oras kasama kita at isa pa ang dami ng tagahanga mo kuno,siguradong puro sabunot ang aabutin ko kapag nagkataon"bulong ko. "I hear you,Elisha. Stop murmuring " Napaigtad ako sa sinabi niya. "Besides, I'm willing to do everything just to protect you. So,don't be scared"dagdag pa niya. Napatawa na lang ako nang marinig ang sagot niya. Dinampi ko ang palad sa noo niya.Hala ka!Baka nahawaan ko siya ng lagnat kaya kung ano-ano na lang ang pinagsasabi niya. "Hindi ka naman mainit ah?"taka kong saad. "Hey!What are you doing?" "Tinitingnan ko lang kung nilalagnat ka pero hindi naman, kung ano-ano na kasi iyong sinasabi mo eh. Nakakikilabot "seryosong saad ko. "I'm serious Elisha. Let's just cut it off this topic baka malate pa tayo" Nagpatianod na lang ako sa kanya nang magsimula na siyang maglakad. Ano pa bang magagawa ko? Hawak-hawak niya ang kamay ko kaya ang resulta, holding hands kaming naglalakad. Wala pang ilang minuto nang.... "f**k!" Napahawak ako sa aking pisngi kasabay ng pagmura ni Rance nang may biglang sumampal sa akin. Dalawang salita lang ang masasabi ko,mahapdi at masakit. Mukhang napalakas talaga.Ngayon lang ako nasampal sa tanang buhay ko. "Damn you b***h!Sino ka para landiin at agawin si Rance sa akin ha?!" Nakatitig lang ako sa babaeng sumabog at galit na galit sa akin na siyang dahilan kung bakit hawak-hawak ko ang aking pisngi ngayon.Wala akong masabi dahil na sa kanya na ang lahat.Para siyang artista dahil sa taglay niyang ganda.Wala naman akong nagawang kasalanan pero bakit ganito na ang inabot ko? "Akala mo ba makakaligtas ka sa radar ko ha?! Nope dear,kaya halika rito!" Hihilain na sana niya ako nang pigilan siya ni Rance. "Dammit Stop!"sigaw ni Rance. Mukhang nagulat din ang babae.Tiningnan ito ni Rance. "Who are you?" "I'm Bethany and I am your girlfriend"diretsong sagot ng babae. Natawa si Rance. "As far as I know, I don't have any girlfriend and if magkakagirlfriend man ako...sisiguraduhin kong hindi ikaw iyon! Now,say sorry to her!" Pati ako nagulat sa sigaw ni Rance. "Owww,sorry?Why would I do that?" "First of all,you slapped her and secondly,you hurt her" Tama!Nasaktan niya ako ng walang kasalanan. Akala ko pa naman girlfriend siya ni Rance kung makasampal kasi parang wala ng bukas. Pero sa isip ko lang iyon. Wala namang perpektong tao eh. Lahat tayo nagkakamali. Nakikinig lang ako sa kanila. Hindi pa rin naimik ang babae. Binalingan ako ni Rance at saka ipinaharap sa babae. "Say sorry to her or else, I will kick you out from my school!" Halatang natakot din ang babae base sa mukha niya. "Pssshhh....sorry"sabi niya. Alam kong napipilitan lang siya pero ayos na iyon. "Okay lang-----" "Damn you b***h!Hindi pa tayo tapos!"putol niya sa sasabihin ko at saka padabog na umalis. Nakatingin lang ako sa babae.Nanghihinayang ako sa kanya,sa totoo lang.Para siyang dyosa pero ugali niya'y hindi bagay sa kanya. Napailing na lang ako sa aking iniisip. "What are you thinking?"tanong ni Rance. "Wala" "Don't mind her,okay.Let's go" Akmang hahawakan niya naman ako pero itinago ko sa likod ang kamay ko. "What's with the attitude,Elisha?"naguguluhan niyang tanong. Tinitigan ko lang siya.Ang tanging hangad ko lang naman sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral nang sa ganoon ay matulungan ko sina itay at inay.At isa pa,ayoko ng gulo,gusto ko lang ng tahimik na buhay. Alam ko naman sa aking sarili na may iba na akong naramdaman sa kanya pero habang mas maaga pa ay kailangan ko ng pigilan ito.Hindi ko naman siya gustong sisihin pero sa mga nangyayari ngayon ay napapaaway na ako.Naging magulo na ang buhay ko. Huminga muna ako ng malalim. "Ayoko ng gulo,Rance at alam kong alam mo iyon!" Napataas na ang aking boses habang siya ay nakikinig lang sa mga susunod na gusto kong sasabihin. Alam kong hindi kaaya-aya ang mga pinaggagawa at mga gagawin ko ngayon pero ito lang ang tanging paraan para makaiwas ako sa gulo. "Ang gusto ko lang namang sabihin na....maraming salamat sa lahat na mga naitulong mo sa akin.Naapreciate ko iyon at alam kong balang araw masusuklian rin kita. At sana rin,simula ngayong araw....tantanan mo na ang buhay ko.Wala naman tayong relasyon.Hindi naman kita kaano-ano ah? I just want peace. Ayoko ng gulo. So,please leave me alone!" Parang pinipiga ang puso ko sa huling sinabi ko. Alam kong nasaktan siya base sa mga mata niya. "Okay" Iyon lang ang sinabi niya bago ako tinalikuran. Hindi ko na mapigilan ang aking mga luha. Napaiyak na ako. Ang sama ko! Wala siyang ibang ginawa kundi ang tulungan ako ng paulit-ulit pero ito iyong naging kabayaran ko. Ang sama ko talaga! "Patawad Rance"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD