Hugo's POV HINDI nagtagal ay nakarating din kami ng aking mansion. Gigil na gigil ako ng bumaba ako at halos takbuhin ko na ang pagpasok sa loob ng bahay ko dahil sa galit ko kay Marcus. Anak ko ang triplets kaya wala siyang karapatang mangialam lalo na sa mga desisyon ko dahil labas na silang lahat sa personal kong buhay. "What the f**k Marcus! Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na pakialaman ang desisyon ko pagdating sa mga anak ko? Nasaan ang sinasabi mong yaya dahil kakaladkarin ko 'yan palabas ng aking pamamahay," malakas kong sigaw ng makita ko siyang nakaupo sa sofa na nakaharap sa akin. May isang babae naman na nakaupo sa sofa na nakatalikod sa akin habang nilalaro ang mga anak ko na natigilan dahil sa malakas kong pagsigaw. Kitang-kita ko ang katuwaan sa mukha ng mga anak ko

