────⊱⁜⊰──── Dumating si Harvey sa mansion ni Hugo ng malaman niya na namasukan bilang yaya si Joyce sa mga anak ni Hugo. Napatingin si Harvey kay Marcus na kinakausap ang lahat ng tauhan ni Hugo na huwag sasabihin dito ang tungkol kay Joyce. "Alam mo naman siguro kung gaano kalaki ang galit ngayon ni Hugo sa kanya hindi ba? Baka saktan niya si Joyce, kapag nangyari 'yon duon kami magkakasubukang dalawa." ani ni Harvey. "Huwag kang mag-alala dahil kilala ko si Hugo. Galit man 'yan pero alam ko na mahal na mahal pa rin niya si Joyce at hindi siya gagawa ng kahit na anong hakbang upang masaktan si Joyce. Alam kong binubuhos lang ni Hugo ang galit niya sa ibang babae pero kapag dumating na si Joyce, sigurado akong may malaking pagbabagong mangyayari sa gagong 'yon. Trust me!" ani ni Marcu

