Joyce POV "Sa tingin mo ba Ces, kaya ko na talaga? Kinakabahan kasi ako, baka magkamali ako at mapahiya ako sa maraming tao. Ngayon pa lang kasi ako haharap sa ganito karaming tao para rumampa. Baka mangatog ang tuhod ko mamaya sa stage kapag nag-catwalk na ako." ani ko sa kapatid ko. Wala pa talaga sa plano ko ang mag-catwalk sa harapan ng maraming cameraman at sa harapan ng bawat CEO ng bawat fashion magazine na kilala sa buong mundo. Si Cairo ay isa sa nag-mamay-ari ng Fashion Magazine. Ang Le-Brough Magazine na company na pag-aari niya. Isa siya sa mga CEO na kalahok ngayon upang mamili ng brands na e-cover nila sa kanilang mga magazine. Si Cairo ay isa ko ng masugid na manliligaw, parang si Harvey pero kay Harvey hindi ko pa alam, ang nakikita ko sa kanya ay si Hugo. Kinausap ko si C

