Joyce's POV Habang naglalakad kami sa downtown ay kanina pa lingon ng lingon ang aking kapatid na tila ba nababahala kaya napapatingin ako sa kanya. "Ate kanina pa nakasunod sa atin ang lalaking 'yon," ani ng kapatid ko. Napatingin ako sa likuran ko pero wala naman akong nakikita. "Sino ba ang tinutukoy mo ha Celestina?" tanong ko sa kapatid ko. "Ate 'yung naka-hoodie na kulay blue at naka baseball cap na itim." wika niya kaya nilibot ko ang paningin ko. Napansin ko ang isang lalaki ayon sa description na sinasabi ni Celestina na nakaupo sa may fountain na nakayuko, pero nasa telepono ito at tila may kausap. Kung 'yun ang sinasabi mo, hindi naman yata tayo sinusundan. Masyado ka yatang nagiging paranoid." ani ko at natawa na ako sa kapatid ko. Naglalakad kami dito sa downtown dahil

