Hugo's POV "Nandito ka pala, kanina ka pa namin hinahanap. Hindi pa raw makakauwi sila Marcus dahil may mahalaga silang inaasikaso ng mga Hendrickson sa Milan. Pinapasabi niya sa akin na matuto ka daw sumagot ng tawag kung ayaw mong lumipad siya dito pabalik at kaladkarin ka niya patungong Milan." wika ni Lucio na ikinangisi ko lang ng pagak. "Nagpalit na ako ng numero, sabihin mo sa kanya na tatawagan ko siya mamaya. Huwag niya akong kulitin dahil baka mapikon ako sa kanya basagin ko lahat ng sports car nya sa mansion Dux Estate nya." ani ko ng hindi ko tinitignan si Lucio. Nakausap ko na naman si Marcus kahapon ng umaga bago pa ako magpalit ng telepono at nasabi nga niya na kailangan na naming iligpit ang mga taong nanggugulang sa organisasyon namin. "Nagpalit ka na pala ng numero, b

