Hugo's POV Tatlong linggong mahigit na mula ng bumalik ako ng Pilipinas. Wala akong ginawa kung hindi, babae, alak, trabaho at pumatay. Sa kanila ko lahat ibinubuhos ang lahat ng galit ko. Pasalamat na lamang sila Joyce at buhay pa silang dalawa ni Cairo dahil nananaig pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Ang pagmamahal ko na sinayang niya dahil pinili niya si Cairo at niloko lamang niya ako. Nasaktan ko man siya nuon pero inaamin ko naman ang pagkakamali ko. "Hindi ka ba pupunta ng Milan, pinapapunta na tayo ni Marcus sa Milan dahil may meeting tayong gaganapin kasama ang mga leader ng organisasyon. Kailangan tayo duon dahil importante ang meeting na 'yon. Tigilan mo muna ang pag-inom mo. Mula ng bumalik tayo dito ay hindi ka na tumitigil sa pag inom mo. Dumating na nga pala si Harvey at

