Hugo's POV Pagkarating namin ng Milan ay sinalubong kami ni Marcus kasama ang mga kaibigan namin. Alam kong alam na niya ang tungkol sa nangyari sa England ngunit hindi naman siya nagtatanong tungkol dito. Kilala rin naman niya ako, alam niyang ayoko sa lahat na pinakikialaman ako kung hindi naman ako humihingi ng tulong o pabor sa kanya. "Babae lang 'yan bro, ang mga babae hindi dapat pinapahalagahan lalo na kung feeling nila ay maghahabol tayo. Hayaan mo ang mga babaeng 'yan, mas masarap ang maging single at walang iniintinding kadramahan nila," ani ni Sammy. Hindi naman ako sumagot at hindi rin ako nagpakita ng kahit na anong interes sa sinasabi niya. Pakiramdam ko ay naging bato na ng tuluyan ang puso ko matapos aminin sa akin ni Joyce ang lahat ng kasinungalingan niya sa akin. Ang l

