Joyce POV Dalawang buwan na rin ng huli kaming magkita ni Hugo. Hindi na kami nagkausap pa dahil inalis na niya ang lahat ng koneksyon naming dalawa. Balita ko ay matinding galit pa rin ang nararamdaman niya para sa akin. Sino nga ba ang hindi magagalit sa sinabi ko? Ilang beses ko siyang sinubukang tawagan ngunit pinapatayan lamang niya ako ng telepono hanggang sa hindi ko na siya makontak pa. Hindi ko alam kung nagpalit na ba siya ng numero or he simply blocked me para hindi ko na siya matawagan pa. Nabalitaan ko rin kay kuya na nakipag dwelo si Hugo kay Cairo ng nagkaroon sila ng meeting sa Milan at si Hugo ang nanalo pero ang sabi ni kuya ay naniniwala siyang kusang nagpatalo si Cairo dahil parte siya ng dahilan kung bakit nasira kami ni Hugo. Sinabi ni kuya na kung sino man ang ma

