────⊱⁜⊰──── Habang nakikipag-usap si Marcus kay Hugo sa opisina ng pinsan niya ay tumunog ang telepono niya. Nagulat siya ng mabasa niya sa screen ng phone na si Trenz ang tumatawag sa kaniya. Napatingin sa kanya si Hugo at kinunutan siya ng noo nito. "Hindi mo ba sasagutin ang tumatawag sa iyo? Sino ba 'yan at tila ba gulat na gulat ka pa ha?" ani ni Hugo sa kanya. "Ang ka-meeting ko bukas. Baka ipo-postpone ang meeting." ani ni Marcus kaya mas lalong kumunot ang noo ni Hugo. "Kaylan ka pa tumanggap ng tawag mula sa mga kliyente mo? Hindi ba at dumadaan silang lahat sa sekretarya mo?" wika ni Hugo kay Marcus. Hindi na sinagot ni Marcus ang tanong sa kanya ni Hugo at sumenyas lamang siya dito na sasagutin niya ito sa labas ng opisina niya. Sinundan na lamang ng tingin ni Hugo ang kaniy

