Hugo's POV Nagkayayaang magluto ng bbq kaya naman nag set na rin kami ng bonfire para mamayang gabi. Ito ang madalas naming gawin dito nuon nila Marcus sa tuwing nag-a unwind kami at dito kami natutulog. "Nasaan ang mga anak ko?" tanong ko kay Marcus na kalalapit lamang sa akin. "Kasama ni Nanay Ester. Umalis kasi si Joyce kasama si Harvey dahil nagpunta sila ng palengke. Kailangan kasi natin ng ilang meat na maluluto mamaya sa grill kaya sila na ang nag prisinta," wika ni Josh kaya bigla kong nabitawan ang hawak kong mga kahoy na gagamitin namin mamaya. "Shiiit! Muntikan mo ng malaglagan ang mga paa ko ng mga kahoy, gago ka!" inis na ani ni Josh ng mabilis itong napaatras. Lumingon ako sa paligid at ng makita ko ang sasakyan ko ay tatakbuhin ko na lamang sana ito ng bigla naman akong

