────⊱⁜⊰──── "Are you envious of your twin brother? You seemed upset when you saw them together. I thought you didn't care about her anymore, but why are you acting like that?" ani ni Marcus kay Hugo na hindi tumitigil sa pagtawa. "Hindi ako nagseselos! Bakit naman ako magseselos? Wala na akong pakialam pa sa kanya kaya tigilan mo ako Marcus." inis na ani ni Hugo kay Marcus at halos ibalibag na yata ang hawak nitong maleta habang nakatingin sa malapit sa dagat dahil magkasama si Harvey at si Joyce na nakatanaw sa napakagandang karagatan. "Hindi ka nagseselos ng lagay na 'yan pero kulang na lang ihagis mo ang maletang 'yan sa ulo ng kapatid mo." wika pa ni Marcus na hindi tumitigil sa pagtawa. "Naiinis ako kasi nang-iinis ka! Tigilan mo nga ako Marcus! Bakit ba kasi sumama pa kayo eh!

