-Continuation- Hugo's POV Paglabas ko ng silid ay nakangiti akong bumalik ng living area. Naupo agad si Harvey sa tabi ni Joyce at hinawakan ang kamay ng babaeng mahal ko kaya bigla kong tinampal ang kamay ni Harvey na ikinagulat nila. "Tang-na lang! Subukan mo ulit hawakan ang kamay ni Joyce at tatagpasin ko ang leeg mo." galit kong ani habang hindi ko inaalis ang masamang pagkakatitig ko sa kakambal ko. "Ano ba ang problema mo ha Hugo? Hindi ka pa ba masaya sa kapareha mo ha? Duon ka na lang sa silid ninyo ng babaeng 'yon at hayaan mo kaming mag-usap ni Harvey dito." inis na sabi ni Joyce kaya lumaki ang pagkakangiti ko habang sa kanya na ako nakatingin. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Ako naman ay bigla kong inilapit ang daliri ko sa mukha niya, at ganuon na lamang ang gulat niya

