Hugo's POV Nakatulog ako ng mahimbing, marahil ay dahil sa sobrang pagod na din. Nang magising ako ay umaga na at wala na si Joyce. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nagluluto ng simpleng agahan ang kakambal ko kaya nilapitan ko ito at naupo ako sa silyang nakaharap sa lamesa. "Bakit hindi mo ako ginising ng umalis sila Joyce?" ani ko habang sapo ko ang baba ko at nakatingin lamang ako sa kakambal ko. Hindi naman siya sumasagot at patuloy lamang siya sa pagluluto, habang sige lamang ako sa pagsasalita at wala akong pakialam kung makulitan man siya sa akin. Bumukas ang pintuan ng silid ni Lyka at biglang lumingon si Harvey at nakita ko ang simpleng pag-ngiti niya kaya napangisi ako at nilapitan ko si Lyka. "Good morning, babe!" ani ko sabay halik sa aking ulo. Iigkas sana ang kama

