Nasa sala ako at abala sa pagbabasa ng libro nang bigla na lang sumulpot si Zane sa harap ko.
" Anong ginagawa mo dito? " inis na tanong ko. Sino bang nagpapasok sa animal na to dito? Umupo ito sa tabi ko na ikinakunot ng noo ko.
" Wala sila mama at papa kaya umalis kana. " pagtataboy ko dito, he looks not okay pero wala akong pakialam.
" Let's go home! " lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nito na ikinalingon ko pa sa kanya.
" Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na ayaw ko na? " tinignan niya ako ng masama. Siya pa talaga ang galit ngayon? Siya yung may nagawang isang malaking kasalanan e.
" Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako? " tanong nito na ikinainis ko, pakiramdam ko kasi hindi siya sincere, ngumiti ako dito.
" Ibigay mo ang annulment na gusto ko. " sagot ko at kinuha ang papel na nasa envelope sa may center table. Nilagay ko dito ito kanina dahil balak ko talaga siyang puntahan sa office niya para papirmahan ito, ngunit naunahan na ako nito dahil bigla na lamang sumulpot. Okay lang din sa akin para hindi na ako mag abala pang magtungo sa opisina niya.
" Sign it! " sabi ko dito saka inabot ang annulment paper sa kanya na ikinadilim ng kanyang nto.
" Ilang beses ko bang dapat sabihin na walang annulment na magaganap? You're my wife FOREVER " mariing sabi nito at ipnagdiinan pa ang huling salita saka hinagis sa kung saan ang papel na ikina-inis ko.
" You can't do this to me Zane. After what you did, ang lakas parin ng loob ming sabihin yan sakin? " inis na sigaw ko dito. Kulang na lang ay kumulo ang dugo ko.
" Sige ibibigay ko yang kahilingan mo pero sa isang kundisyon. " kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Ano na naman kaya ang naiisio nito? Hindi maganda ang pakiramdam ko.
" Anong kundisyon naman yan? " tanong ko.
" Sumama ka sakin sa private island natin for three days, then after that i'll sign that f*cking annulment paper. " sabi nito, natahimik ako at hindi makapaniwala sa sinabi nito. Is he serious? He looked so serious pero dapat ba akong magtiwala? Kaming dalawa lang? mukhang hindi magandang idea iyon.
I know him, hindi siya basta susuko ng ganun-ganun lang. Sigurado akong may plano ito.
" Hindi ako tanga Zane, alam kong may pina-plano ka. Hindi ako sasama sayo kung tayong dalawa lamang ang naroon. " sabi ko dito, bumuntong hininga ito na tila pagsuko.
" Isasama natin si Calix at Avery. " sabi nito na ikinalingon ko. Parang nninibago ako sa lalaking to.
" Sigurado kang sasama sila? " tanong ko. Tumayo ito at tumingin sakin.
" Yeah! mag-impake kana susunduin kita bukas. " sabi nito at nilayasan na lang ako basta, hindi pa nga ako pumapayag.
Walang hiya talaga tong lalaking to bakit ko ba to minahal at pinakasalan? Kung alam ko lang na ganito ang ugali nito nunka na papakasal ako sa kanya.
Nakakastress palagi makipag usap sa lalakung yun, kailangan kong magpalamig.
" Manang lalabas po muna ako, kapag po hinanap ako nila mama at papa pagdating nila pakisabi lumabas lang ako saglit. " bilin ko kay Manang nng makita itong nagpupunas sa mga figurine sa sala.
" Sige iha! " sagot nito.
Kinuha ko ang bag at lumabas ng bahay saka sumakay ng kotse. Tinungo ko ang isang 7/11 na malapit sa amin at bumili ng ice cream. Umupo ako sa isang table sa gilid at sinimulng kainin ang ice cream na binili.
Ganito palagi ang ginagawa ko kapag na-i-stress ako, sapat na ang ice cream na pntanggal dito.
" We meet again... " napakunot noo ako sa narinig kaya agad ko itong nilingon, sinalubong ako ng maamo nitong mukha wearing his sparkling eyes and sweet smile. Yung tipong pati ikaw mapaangiti sa ganda ng ngiti nito.
" Clyde... What are you doing here? " naiangiting tanong ko dito, umupo ito sa harap ko at napatingin ako sa inilaag niyang isang maliit na tub ng ice cream.
" Hmm... nagpapalamig katulad mo. " sabi nito. What a coincidence, dito pa talaga kami nagkatagpo.
" What a small world, nagkita muli tayo sa di inaasahan. Hindi ko alam kung sinasadya ba to ng tadhana. " nakangiting sabi nito saka binuksan ang ice cream at sinimulang kainin.
" Oo nga, pero naniniwala ka talaga sa tadhana? " curious kong tanong na ikinatawa niya ng mahina.
" Yeah! Bakit ikaw? " tanong niya sa akin, nagkibit balikat naman ako.
" I don't believe on it kasi para sa akin tao rin ang gumagawa ng kanyang kapalaran. If you want to change your life, work hard for it para makamit at kung gusto niyong para kayo sa isa't-isa, gumawa kayo ng paraan para maging kayo parin hanggang sa huli. Human have a free will, kung ano ang ginagawa nila yun ang magiging kapalaran nila. " paliwanag ko na ikinangiti niya.
" I do believe with that to, pero minsan kasi napapaisip ako. Even if we have a free will, may mga bagay na bigla na lamang nangyayari kahit hindi natin naisin, mga bagay na hindi natin inaasahang dumating o mangyari. Just like how we meet. " sabi nito na ikinaiwas ko ng tingin, pakiramdam ko kasi iba yung tingun niya sa akin.
" That's why, i believe on destiny. I believe that God has a plan for each of us pero madalas hindi ito nasusunod dahil sa pagkakaroon natin ng free will. " dagdag pa nito na ikinatango ko.
" You're right! " wika ko na ikinangiti niya.
" Siya nga pala, bakit naisip mong magpalamig dito? " tanong ko pa.
" Well, na stress kasi ako sa kapatid ko. Napakatigas ng ulo e, hindi ako makapag isip ng maayos kaya heto naisip kong magpalamig para makapag isip. Ito lang yung pinakamalapit na place kaya dito na ako nagtungo. " sagot nito. Oo nga pala, yng kapatid niya ay nakipag live in na.
Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog ito, kinuha ko ito nng makitang si papa ang tumatawag.
" Excuse me, sasagutin ko lang. " sabi ko kay Clyde na ikinangiti niya at tumango, sinagot ko naman ang tawag.
" Pa, bakit po? " bungad ko kay papa.
" Where are you? " seryusong tanong nito na ikinakunot ng aking noo.
" At 7/11 near our house. " sagot ko dito.
" Go home, i want to talk to you. " ma awtoridad na sabi nito, naramdaman kong may hindi magandang mangyayari.
" Okay pa. " sagot ko dito bago niya pinatay ang tawag, napatingin naman ako kay Clyde pagkatapos.
" Sorry Clyde but have to go, my dad wants to talk to me. " paalam ko kay Clyde.
" Sure, ingat. " sagot nito at nagmamadali naman akong umalis. Anong meron? Bakit parang galit si papa? Ano na namang nagawa ko? Baka nagsumbong na naman ang bwisit na Zane na yn.
Pagdating ko ng bahay ay naabutan ko sila mama at papa sa sala kaya lumapit ako saka nagmano sa kanila at umupo sa tapat nila.
" What do you think you're doing? Makikipaghiwalay kana lang basta sa asawa mo? " tanong ni papa na ikinakunot ng aking noo. Paano nila nalaman iyon? Nagsumbong nga yata si Zane.
" Akala mo ba ganun na lang kadali yun? Yes, nagkamali siya at pinagsisisihan niya yun. Hindi mo ba nakikita yun? " tanong ni papa na ikina-inis ko.
" Ang daling sabihin niyan para sa inyo papa dahil hindi naman kayo ang nasaktan. Palibhasa gawain niyo rin yun kaya mas kampi kayo kay Zane. You don't know how hurt we are because of what you did, mama knows that. " sagot ko dito na ikinabilog ng kanyang mga mata.
" Matagal nang nangyari iyan at humingi na ako ng kapatawaran and all of you decided to forgive me. Kaya wag mong ibalik sa akin iyan, nais ko lang na maging maayos kayong dalawa. Lahat naman tayo nagkakamali, what important is marunong tayong tanggapn ang pagkakasala at humingi ng tawad. " sabi nito na ikinabuga ko ng hangin.
" Paano niyo ba nalaman ang tungkol dun? Nagsumbong na naman si Zane? " inis na tanong ko.
" Iha.... " tila nangungusao na sabi ni mama pero hindi ko pinansin.
Kinuha ni papa ang papel sa center table at ipinakita sa akin. Muntik ko nang sapakin ang sarili, bakit nakalimutan kong kunin iyon at itapon kanina? Hindi na naman ako nag isip.
" I know what you feeo but i wanted you to think about it clearly. Ayaw king pareho kayong magsisi sa huli. " sabi ni papa saka nilukot ang papel at tumayo, nagtungo na siya sa kaniyang study room.
" Magpahinga kana. I know you're tired. Ako na ang bahala sa papa mo. " sabi ni mama na ikinatango ko at sinundan niya si papa. Napahilot ako sa aking sintido bago nagtungo sa aking kwarto.
Kinabukasan ay sumulpot na lang si Zane sa bahay, kita kong natutuwa sila mama at papa dahil magkakasama kami ni Zane. Ang dami pa nilang binilin sa amin ni Zane na akala mo ay newlywed kami. Kung alam lang nila na pumayag lang ako dahil ito ang kundisyon ni Zane para ibigay ang annulment na gusto ko.
" Avery! " tawag ko kay Avery nang makita ito pagdating namin sa daungan ng yate. Napalingon ito sa akin at agad napangiti nang makita ako.
Tumakbo ako palapit sa kanya at agad siyang niyakap ng mahigpit. Namimiss ko na tong babaeng to.
" Akala ko talaga niloloko na naman ako ng bwisit na Zane na yun. " inis kong sabi habang nakayakap sa kanya, tumawa naman ito.
" Ano bang meron at biglang nag-aya si Zane papuntang isla? " tanong nito, kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya.
" Tsss.. That f*cking bastard! Naisahan na naman niya ako. " inis na sabi ko.
" Teka, bat ganyan pala ang suot mo? " takang tanong ko.
" Ah an- " naputol ang sasabihin niya nang tawagin siya ni Zane napairap naman ako.
" Avery! " napalingon ito kay Zane na ngayon ay palapit na sa amin at may dalang dalawang maleta.
" Blooming ka yata ngayon? " pagbibiro nito, tinignan ko naman ito ng masama.
" Teka, bat ganyan suot mo? " takang tanong din nito kay Avery. Ngumiti ito ngnpilit at tumingin kay Calix na tahimik lang at nakamasid sa paligid. Baliw na baliw parin siya sa lalaking to.
" hey! Baka matunaw si Calix! " biro ni Zane dito na agad niyang ikinaiwas ng tingin, napailing na lang ako.
" Calix, grabe ka naman. Bakit mo naman binalot ng todo si Avery? " tanong ni Zane kay Calix habang nakangisi ito kaya tinignan siya ng masama ni Calix. Sus, e pareho lang namam silang ganyan kapag hindi nagustuhan ang damit namin.
" Manahimik kana lang, ang dami kong trabaho pero heto ako at nakikisabay sa trip mong bwisit ka. Kaya habang dipa nagbabago ng isip ko, tara na. " inis na sabi ni Calix at binuhat na ang kanilang maleta at nagtungo na sa yacht. Sumunod naman dito si Zane dala ang maleta namin.
" Magpinsan nga talaga sila. " inis na bulong ko.
" Tara na, ang init ng ulo mo. " natatawang sabi ni Avery at hinila na ako sa kamay patungong yacht.
Nadatnan namin yung dalawa na nakaupo sa may cockpit. Hinila ko naman si Avery sa may deck. Napakaganda ng yacht na to, makikita mong pang mayaman talaga. Umupo kami dito at pinagmasdan ang magandang tanawin.
" Kumusta kana? Okay na ba kayo ni Calix? " seryosong tanong ko dito.
" Hindi pa, pero mas okay na kami ngayon kesa dati. " sagot nito. Hay naku Avery, kung pwede lang palitan ang puso pinapalitan ko na yang sayo.
" Pinapaalala ko lang Avery, wag kang umasang magiging okay pa kayo dahil ikaw rin ang masasaktan. " payo ko dito.
" Alam ko naman yun, wag kang mag alala sakin. Kayo ba? Kumusta kayo ni Zane? Parang mas lumala pa ang sitwasyon niyo ah " sabi nito, napabuntong hininga ako. Diko rin alam, sobrang naguguluhan ako kung ano ng ba dapat ang gawin ko.
" Hindi ko pa siya kayang patawarin, sobrang galit parin ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya. " pag-amin ko.
Sumandal ako sa kanyang balikat kaya niyakap niya ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil dito.
May isang oras din yata bago dumaong ang yate sa isang isla. Kaya agad kaming nagtungo ni Avery sa kinaroroonan nila Calix at Zane. Nakita kong tumayo na si Zane at dala nito ang maleta namin pero si Calix nakaupo parin ito habang nakapikit ang mga mata na ipinagtaka ko.
" Let's go! " sabi ni Zane sakin pero hindi ko siya pinansin.
" Avery, let's go! " wika ko at hinawakan ko ito sa kamay at akmamg hihilain ko nang pigilan ako ni Zane na ikinakunot ng noo ko.
" Ikaw lang ang bababa, sa kabilang isla pa sila. " sabi ni Zane na ikinagulat namin.
" Are you joking? " inis na sabi ko. Wala sa usapan namin ang ganito.
" I'm not! Kaya halika na. " sabi ni Zane at naglakad na dala ang maleta namin pero hindi ako sumunod at nakahawak parin kay Avery.
" Ayaw kong sumama sa kanya, sama na lang ako sa inyo. " sabi ko, i know he's planning something.
" Okay, sige! " sagot naman ni Avery kaya napangiti ako.
Pero hindi nagtagal ay bumalik si Zane at dere-deretso ng lakad nito palapit sa amin. Kumunot ng noo ko at napasigaw ako nang bigla na lang niya akong buhatin ng pangkasal.
" Aaaaah! Bitawan mo ako " tili ko kasabay ng paghampas-hampas sa kanya pero parang balewala lang ito sa kanya.
" Bye Ave, hiramin ko muna tong kaibigan mo. Paaamuin ko lang " natatawa nitong sabi at umalis habang buhat-buhat ako.
" Ibaba mo ako Zane, sinasabi ko sayo sisipain kita pag ako nakababa. " banta ko dito.
" Fine! " sabi nito at ibinagsak ako sa buhanginan na ikinagulat ko. Ang sakit ng puwet ko, demonyo talaga.
" Gago kaba? Tadyakan kita dyan e. " sigaw ko dito saka bumangon at pinagpag ang sarili.
" Tinakot mo ako e, binigay ko na ng ang gusto mo ikaw pa tong galit. " sabi nito at kinuha ang maleta sa di kalayuan at bitbit itong naglakad.
Napatingin ako sa buong paligid, paalis na ang yate at wala man lang bangka dito. Inis na sumunod ako kay Zane.