Chapter 6

1091 Words
Matapos kong mag-ayos ng sarili ay nagdrive na ako patungo sa birthday party ng mama ni Calix. Sila mama kasi nauna na kanina pa, hindi na ako nagpahintay pa. Pagdating ko dito ay marami nang mga tao at nagkakasiyahan na. Hinanap ng mga mata ko si tita at nang makita ito ay agad kong nilapitan, kausap nito sila mama at papa. " Farrah! long time no see. " masayang sabi nito nang makita ako. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. " happy birthday po! " bati ko dito bago kumalas sa pagkakayakap. " Salamat iha! You're so beautiful! " natutuwang sabi nito at pinasadahan ako ng tingin. " Thanks tita! " sabi ko. " Oh by the way, Avery is here too. " kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Dati kasi ayaw na niya kay Avery dahil sa mga nangyari noon. " Talaga po? " hindi makapaniwalang tanong ko. " Yes, hanapin mo siya andyan lang yun kasama si Calix. " sabi niya na lalo kong ipinagtaka, okay na kaya sila? " Ma! Pa! hanapin ko lang si Avery " paalam ko sa mga magulang ko at tumango naman ang mga ito, lumingon ako kay tita at nagpaalam ako dito kaya nagkwentuhan silang muli. Sa paglalakad ay sa wakas nakita ko na ito kasama si Calix at kausap nila si Zane, agad akong lumapit sa kanila. " Avery? " nagulat ito nang makita ako. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang suot niya, naka-uniform ito ng pang-maid. " What the hell, bat ganyan ang suot mo? Kailan kapa naging katulong? " naguguluhang tanong ko. " She is my maid! " cold na sabi ni Calix saka ito hinila paalis na ikina-inis ko. Susundan ko pa sana ito pero hinila ako ni Zane sa braso na lalo kong ikina-inis. " Bitawan mo nga ako! " singhal ko dito na agad naman niyang ginawa. " Hayaan mo muna sila! " sabi nito, tinignan ko siya ng masama. Palibhasa pareho sila ng pinsan niyang bwisit e. " Wag kang makialam! " mariing sabi ko. " Napakasungit! " bulong nito, hindi ko na lang pinansin at nilayasan siya pero sumunod parin ito. " Bat kaba nakasunod? " inis na tanong ko. " Bakit ganyan ang suot mo? Sobrang ikli! Dimo ba naisip na maraming lalaking bastos s panahon ngayon? " ayan na naman siya sa pangingialam sa gusto kong isuot. " Wala kang pakialam! Isusuot ko kung anong gusto ko, hindi mo na ako asawa kaya hindi na ako magiging sunod-sunuran pa sayo. " sabi ko dito, tila nagulat naman siya sa sinabi ko kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para iwanan siya. Pinuntahan ko ang ibang kamag-anak nila na kakilala ko at nakipagkwentuhan. Umiinom ako ng wine nang masilip si Avery na may hawak na wine at mukhang inutusan ni Calix kaya agad akong nagpaalam sa kausap at nilapitan ito. Hinarang ko ito at tinignan ng masama. " What are you thinking Avery? Are you out of your mind? " singhal ko sa kanya. " Farrah, mag usap na lang tayo bukas. Wag dito. " bulong nito na tila nahihiyang marinig kami ng iba. " What the hell Avery! " bulyaw ko sa kanya na ngayon ay pinagtitinginan na kami ng ibang tao kaya agad niyang inilagay yung drinks na hawak niya sa isang table at hinila niya ako palayo sa mga tao. I'm just worried about her, may sakit siya pero heto at nagpapaalila siya kay Calix. " Now what? " galit kong sigaw sa kanya. " Can you calm down? " mariing sabi nito, i rolled my eyes. " How can i calm down? Alam mong may sakit ka Avery pero heto ka at nagpapaalipin sa kanya. " mariing sabi ko. " Farrah, okay lang ako. I can take care of myself. " sabi ko nito na lalo kong ikinainis. " Okay fine, suit yourself. " mariing wika ko saka ito tinalikuran. Ganyan siya, kung ano ang ginusto gagawin niya at wala nang makakapagpabago pa ng isip niya. Uuwi na lamang ako total nabati ko na si tita. Naglalakad ako nang salubungin ako ni Zane, heto na naman, dumadagdag pa siya sa inis ko. " Let's talk! " sabi nito, inirapan ko siya at nagcross arms ako. " Wala na tayong dapat pag-usapan pa. " sabi ko rito. Napangiti siya na ikinakunot ng noo ko, may tinitignan siya sa likuran ko kaya agad ko itong nilingon. " Uy Zeus " tawag ni Zane kay Zeus na mukhang kararating lang nila. " Hi Zyrine! " bati pa niya sa babae, siya pala si Zyrine. " Oh hi Zeus! " bati ko rin nang lumingon sakin si Zeus. " Farrah! long time no see. So kayo na ulit? " tanong ni Zeus, napatingin ako kay Zane at ganun din ito sakin, ngumiti ito ng nakakaloko kaya inirapan ko. " Ofcourse not! nagpunta lang ako dito dahil pinapunta ako ni tita. " sabi ng ko, napatingin ako kay Zyrine. " Oh, she's Zyrine. Zyrine this is Farrah, Zane's wife " pagpapakilala ni Zeus. " Correction, Ex-wife " may diing sabi ko, at tumingin ako kay Zyrine ng may ngiti sa labi. " Hi Zyrine, no wonder baliw na baliw sayo si Zeus. Ang ganda mo rin pala! " sabi ko dito, she looks inocent at ang bata tignan. " You're pregnant? " tanong ko dito nang mapadako ang mata ko sa medyo maumbok niyang tiyan. " Ah yes! " nahihiya niyang sabi. " Congrats! ang bilis mo Zeus " natatawa kong sabi na ikinapula ni Zyrine kaya lalo akong napangiti. Naalala ko nung buntis ako, siguro kung nalaman ko agad hindi siya nawala samin. Siguro masaya kami ngayon. " Oh! bat dipa kasi kayo magbalikang dalawa? masarap magkaanak kala niyo. " sabi ni Zeus sabay akbay kay Zyrine at hinaplos sa tiyan ito, napangiti naman si Zyrine. " Hay naku Zeus, kung siya lang din ang ama wag na. Kawawa lang ang bata! " medyo inis na sabi ng ko. " Grabe ka naman, dapat nga magpasalamat ka kasi mabibigyan ka ng magandang lahi " biro ni Zane na hindi ko naman ikinatuwa. " Babaero naman! " inis na sabi ko, natahimik si Zane sa narinig. Serves him right? " Sige Zeus, dun lang ako sa mga friends ko! Bye Zyrine, nice to meet you! " i smiled sweetly bago umalis. Pero ang totoo balak ko na umuwi, hindi ko na matagal pa si Zane. Agad akong umalis doon at umuwi, tinawagan ko na lamang si mama at papa para sabibing umuwi na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD