'' Hi ate.. '' napatingin ako kay Zach na kapapasok lamang dito sa aking opisina. Tumingin ito sa buong silid na tila ba may hinahanap kaya napakunot noo ako. '' Zach, sit down. '' sabi ko dito na agad naglakad palapit at umupo sa aking harap. '' May problema ba? '' tanong ko dito, ngumiti ito at iniabot sa akin ang hawak niyang papeles. '' Nagpunta lang ako ate para ipakita sa iyo ang design. '' binuklat ko naman ito. '' Iyan ang mga napili na ipre-present kay Mr. Tanseco. Baka may gusto kang palitan. '' sabi nito, isa isa ko itong tinignan. '' Maganda ang lahat ng design, okay na ito. Siguro magdagdag na lang tayo para marami siyang mapagpipilian. '' suggestion ko. '' Okay ate, magdagdag na lang siguro ako ng dalawa. Ipakita ko ulit sayo mama. '' sabi nito, iniabot ko sa kanya ang

