FARRAH " Anong kailangan mo? " matapang na tanong ni Adam, ang anak ng naging kabit ni papa noon. Nasa tabi ko naman si Zane at ayaw akong iwanan. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga babaeng willing maging kabit kahit na alam niyang may mga masasaktan siya sa gagawin. " Bakit mo nagawa yun? " matapang na tanong ko dito, tumawa ito ng pagak. " Nagtatanong ka pa? sinira ng papa mo ang pamilya namin kaya malamang ginawa ko yun para maghiganti. " sabi nito. " Sana bago ka gumawa ng hakbang, inisip mo muna ang kahihinatnan ng gagawin mo. Sana naisip mong makukulong ka kung sakaling mahuhuli ka. " sabi ko dito, tinignan niya ako ng masama. I saw pain and anger in his eyes at alam kong dahil ito sa mga magulang namin. Ganyan din ang nararamdaman ko nang malaman namin ang ginawa ni papa,

