" Nagising akong masakit ang aking ulo. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama saka siya namang pagbukas ng pintuan at napakunot noo ako nang iluwa nito si Zane na may dalang pagkai. " Breakfast in bed. " masiglang sabi nito habang nakangiti pa na lalong ikinakunot ng aking noo. " Bakit ka nandito? Kailan pa ako naging lumpo para dalhan ng pagkain? " mataray na sabi ko dito. " May sakit ang reyna ko, kaya dapat lang na alagaan ko. Kumain kana at ang prinsesa at prinsipe natin ay nag-aalala na sayo. " sabi nito na ikinangiwi ko. Naglakad ito palapit sa akin at umupo sa tabi ko, nakatingin siya sakin kaya hindi ko siya matignan. " Ano bang nangyari kagabi? " tanong ko dito, ang natatandaan ko lang ay masakit ang ulo ko at nahihilo ako. " Nawalan ka ng malay kagabi dahil sobrang t

