" Good morning! " napalingon kami kay Zane na papalapit sa amin at nakabihis na ng pang-opisina. Nasa dining table kami, nagsisimula pa lamang kumain ang mga bata habang ako ay nagkakape lang at may binabasang papeles. " Good morning po! " sabay na bati ng dalawang bata, lumingon si Zane sa akin na tila naghihintay kung babatiin ko ba, hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin kaya nag-iwas na lamang ako ng tingin. " May pasok ka po sa work papa? " tanong ni Caddie. Naglakad ito palapit sa dalawang bata at hinalikan ang mga ito. " Yes anak, may kakausapin lang ako. Pero uuwi din ako agad para makapag-bonding tayo. " sagot nito. " Yeheeeey! " masayang sabi ng dalawang bata at nagfocus na sa pagkain. Napatingin si Zane sa nakahandang pagkain na ginawa ko para lang sa mga bata. " Grabe, d

