" Papaaaaa... " masayang salubong ng dalawang bata kay Zane at niyakap siya ng mga ito sa kanyang hita, agad naman siyang umupo para magpantay ang kanilang mga mukha. " How are you? ready na ba kayo? " tanong nito sa dalawa, masaya namang tumango ang mga ito. " Papa, big din po yung house natin? " tanong ni Caddie na ikinatawa ng mahina ni Zane. His laugh are so good to hear. " Oo anak. " sagot nito sa bata at hinaplos pa ang buhik nito. " Mama, dito na rin po ba kami papasok sa pasukan? Hindi na po tayo babalik sa Korea? " baling sakin ni Candy, ngumiti ako dito habang si Zane ay natahimik. Hindi ko kasi alam ang isasagot, kung ako lang ang masusunod mas gusto kong doon na lang kami sa Korea. Pero siguradong hindi na papayag pa si Zane na ilayo ko ang bata. " Yes anak, hindi niyo nam

