Farrah Nakahiga na ako sa kama, hindi ako makatulog dahil wala pa si Zane. Nagpaalam kasi kanina at pupunta daw kila Makoy makikipagkwentuham. Sabi ko sasama ako kaso ayon paglingon ko sa kanya wala na siya. Nakakainis naman! Kumusta na kaya sila mama at papa, for sure okay naman yun sila. Sila Avery at Jaycee kaya? Wala kasing signal dito, kailangan pang pumunta ng bayan. Tanungin ko pala si Zane mamaya tungkol kay Avery. Nag-aalala ako sa kalagayan ng babaeng yun. Napaupo ako nang may marinig na tugtog ng gitara. Kumunot ang noo ko, dito ba yun? Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka Sino ba 'tong mukhang gago? Nagkandarapa sa pagkanta At nasisintunado sa kaba Wait? Si Zane ba yun? Nagmamadali akong bumaba ng kama at muntik pa aking mahulo, walang hiya. Agad kong binuk

