Farrah Nagwawalis ako sa harap nila lola, maaga kaming nagpunta dito ni Zane habang siya ay kausap niya sina Makoy, Jerry at Arnel sa bahay ni Makoy. " Farrah? " napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at napalunok ako sa nakita. It was Arnaldo, ang anak ng kapitan dito. Wala itong suot na pang-itaas kaya kitang-kita ang magandang katawam nito. Kulay kayumanggi ito dahil siguro sa pagkababad niya sa araw. Kilala ang pamilya nila dahil sa maayos na pamumuno dito at idagdag mo pang mabubuti talaga silang mga tao. Maraming nagkakagusto kay Arnaldo dahil narin sa kakisigan at kagwapuhan nito tapos matalino pa at mabait. " Ikaw nga, kailan kapa narito? " tanong nito, napangiti naman ako. " Medyo matagal narin. Kumusta? " tanong ko. Nakilala ko siya noong unang pamamasyal ko dito, hanggan

