Zane " Seryoso kaba dyan? " natatawang sabi ni Makoy matapos kong sabihin ang nais ko, napakamot ako sa ulo. Ang lakas pa namang mang-asar ng tatlong ito pero wala na akong choice, sila lang ang makakatulong sakin. " Bakit? nag-away ba kayo? " tanong ni Arnel. " Hindi naman, gusto ko lang maranasan namin yun. " sagot ko na lang kahit na ang totoo ay nagkaproblema talaga kami ni Farrah kaya ginagawa ko ang lahat para tuluyan na kaming magkaayos. "Hindi na uso yun. " natatawang sabi ni Jerry, kaya pati yung dalawa ay natawa. " Tulungan niyo na lang ako, gusto ko siyang mapangiti. " despiradong sabi ko. " Oo na sige na, kaming bahala. Pumunta kana lang dito bukas ng gabi. " sabi ni Makoy. " Kuya Zane, halika na... " tawah ni Rian sakin at hinila ako palabas ng kanilang bahay, nagtatawa

