Pagpasok ko ng hospital room ni Zane ay mataman ako nitong tinitignan at para akong napapaso sa mga tingin niya. " Fartah, ikaw na ang bahala kay Zane, aalis na kami. " paalam ng kanyang mga magulang. " Sige po! " nakangiting sagot ko sa mga ito. " Ate, pasensiya na may gagawin pa kasi ako sa opisina, ikaw na muna ang bahala dito ha! " sabi naman ni Zach pagkaalis ng kanilang magulang. " It's okay, kaya ko na to. " sabi ko dito, nilingon niya si Zane at tila may pagdadalawang isip itong umalis. Hinatid ko na lamang ito ng tingin papalabas. " So you're my wife. " napatingin ako kay Zane sa sinabi nito, marahil ay nakausap na ng magulang niya ito. " Y-yeah! " nauutal kong sagot, tumango tango naman ito. " Why don't you sit by my side? " sabi nito at itinuro ang upuan sa tabi ng kanyan

