Farrah " Gusto ko nang umuwi. " wika ni Zane matapos kong paliguan at bihisan. " Pero hindi pa masyadong magaling ang mga sugat mo. Isa pa, baka kailangan kapa nilang imonitor. " sabi ko dito. " I'm okay, wala na akong nararamdamang masakit. Parang mas lalo lang akong magkakasakit kapag nandito ako. " sabi nito, na ikinabuga ko ng hangin. Noon pa man ay ayaw na ayaw na talaga niya sa Ospital. " Kung nag-iingat ka kasi edi sana wala tayo dito sa Ospital. " sabi ko saka inayos ang mga gamit. " Huy, ang alam ko maingat naman akong magdrive. Malay ko ba kung anong nangyari noong araw na yun. " sabi nito saka umupo sa kama at sinandal ang likod sa headboard. " Baka kasi may ginawa ka sakin kaya ako nawala sa focus sa pagdadrive. Baka inaway mo ako. " sabi nito na ikinahinto ko. Bigla akon

