Napangiti ako nang maramdamang may nakayakap sa akin, isiniksik ko pa ang sarili dito. Tila wala pa akong balak magmulat ng mga mata. Nang maalala ang naganap kagabi ay agad akong napamulat ng mga mata at agad bumungad sa akin ang maamong mukha ni Zane na mahimbing na natutulog, i gulped at tila pigil ang hiningang pinagmasdan to. He was hugging me so tight na tila natatakot na paggising ay wala na ako. I smiled, tila unti-unti na niyang binabakbak ang itinayo kong pader sa pagitan naming dalawa. Nahuhulog na yata akong muli sa kanya o mas tamang sabihing hindi naman talaga nawala ang pag ibig ko sa kanya. Napatingin ako sa wall clock at nakitang alas syete na pala ng umaga, tinignan ko ang buong kwarto at wala na ang dalawang bata. May pagdadalawang isip kong tinapik sa pisngi si Zane

