Pagkatapos naming namasyal ay umuwi rin kami agad dahil sa biglaang pagbuhos nh malakas na ulan. Hindi narin kami nakapag beach, siguro bukas na lang kapag tumila ang ulan. Kaya yung dalawang bata nakasimangot na kanina at nagkulong na sa kwarto. Napalingon ako sa pintuan nang bumukas ito at iniluwa nito si Zane na medyo basa na ng ulan. Pinabili ko kasi ito ng manok at walang stock si Zeus dito, balak kong magluto ng chicken curry para sa hapunan namin. " Zane... " ngumiti ito at sumenyas n dadalhin niya sa kusina ang kanyang mga dala, tumango naman ako. Kumuha ako ng towel at sinundan siya sa kusina. " Magpunas ka muna, ako n bahala dyan. " sabi ko saka inabot sa kanya ang towel na agad naman niyang kinuha, umupo siya sa may kitchen counter at magsimulang punasan ang buhok habang ako

