Zane " Papa... " napalingon ako sa pintuan at bumungad sa akin si Megan at Mandy, ngumiti ako dito. Tumakbo sa akin ang bata at agad yumakap. " Namiss po kita. " nakangusong wika ni Mandy. " Sorry anak, busy ako e. Tapos ito na-ospital pa ang lolo mo. " sabi ko dito. " Well, it's okay papa. I understand po. " sabi nito, napalingon ako kay Megan na nakaupo sa may sofa. " Paano niyo nalaman ang nangyari? " tanong ko. " Sinabi ni tita, sinabi ring ikaw ang bantay ngayon. " sagot nito na ang tinutukoy ay si mama. Kagabi kasi sila ni Zach ang narito dahil nag overtime ako sa opisina, kaya pinauwi ko na sila kahit na wala parin akong tulog. " Ah, buti nakadalaw kayo. " sabi ko. " Pagod na pagod kana Zane, you should rest. Tignan mo yang itsura mo, ang tanda mo na lalo. " sabi ni Megan na

