Zane " Zane...anak... " gulat na gulat si Manang nang pumasok sa aking kwarto, punagbabasag ko lahat ng gamit pati ang wedding photo namin na malaki na nakasabit sa ulunan ng kama. Duguan ang aking kamay habang nakayuko sa isang gilid at umiiyak. Masakit, sobrang sakit. Wala rin naman akong dapat sisihin kundi ang aking sarili. " Get out! i want to be alone. " mahinang wika ko. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing maaalala ko kung paano niya ako tignan, kung paano niya alisin ng mg kamay ko sa kanya at kung paano siya sumama sa lalaking yun. " Anak.. " rinig ko ang pagkaawa sa boses ni Manang at lumapit sa akin, naramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat. " Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya ang totoo? Para hindi kayo nagkakasakitan. " sabi ni Manang, napalunok ako. " Ka

