FARRAH Pagkahatid ko kay Candy at Clyde sa may gate agad akong bumalik sa loob ng bahay at nadatnan ko ang mag-ama na magkatabi sa may sofa at tila may masayang pinag kwe-kwentuhan. Ngumiti ako at umupo sa tabi ni Zane pero napakunot noo ako nang tumayo ito. " Anak, magbibihis muna ako ha. " paalam nito kay Caddie. " Okay papa! " sagot ni Caddie at itinuon ng mga mata sa kanyang hawak na cellphone, mabilis namang umalis si Zane habang ako napatulala na lang. " Psh! " inis na inis na naman ako s lalaking to, ano bang problema niya at tila iniiwasan ako? Nakakabwisit! Tumayo ako at nagpasyang sundan ito, hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nakakausap at nalalaman kung bakit niya ako iniiwasan. Mabilis ang hakbang kong tinungo ang kwarto nito, pagdating doon ay kumatok ako pero hindi

