FARRAH Hinihintay ko si Zane pero alas dose na ng gabi wala parin ito. Tinawagan ko si ate Dolly kanina at naroon pa nga daw ito sa opisina. Nng makaramdam ng antok ay nagpasya na akong matulog. Hindi ko alam kung galit na siya sa akin kaya siya hindi umuwi o sadyang busy lang talaga. Pagkagising ay agad akong naligo bago nagpasyang bumaba. Agad kong kinatok ang kwarto ni Zane pero walang sumasagot. Binuksan ko ito pero nadismaya lamang ako dahil walang bakas na umuwi nga siya. Bagsaka ng balikat na bumaba ako ng hagdan at nagpasyng magluto ng breakfast namin, baka umuwi iyon, para naman makakain siya. " Good morning mama! " masiglang bati ni Caddie habang nakaupo ako sa may dining table at abala sa pagbabasa ng email sa laptop at may kape sa gilid. Napatingin ako dito at lumapit ito

