[ SEVEN ]
[ Dammit!! Samaniego!! Alam mo ba kung gaano kalaki ang gulong ginawa mo? Seriously you kidn*pped her? You abduct her? Anak ng presidente ng Pilipinas si Jessica, pinapaalala ko lang sayo!! malaking pader ang binang-----------------
[ I have no choice Khal.!! I have no choice.. ang sakit sakit marinig sa sarili niyang bibig na hihiwalayan niya ako.. she was filing annulment. What do you want me to do? let her? No!! Id rather die than losing her again.. Id rather rot in jail than missed this day.. Wala akong pakialam kung gaano ka impluwensya ang tatay niya.. as long as makasama ko siya kahit ilang araw lang.. damn!! of all people ikaw dapat makaintindi ng sitwasyon ko!!! Ikaw dap--------------
[ Naiintindihan kita... alam ko ang pakiramdam. Pero shet ka!! sana man lang sinabi mo ang mga plano mo sa akin para napaghandaan ko.. Hinalughog ng mga PSG ng Presidente ang base natin.. halos masira lahat ang mga kagamitan natin. At pinagbantaan pa ako ng tatay ni Jessie na kapag hindi kita nailabas o naituro ang pinagtataguan mo ipapasarado niya ang agency natin. Damn that man!! Hindi ako nakatanggi dahil may search warrant sila. ]
[ Just give me one week or even 3 days at ibabalik ko si Icka ng maayos. I just want to talk to her heart to heart. Gusto kong malaman mula sa kanyang bibig ang mga nangyari sa kanya ng maaksidente ak--------
[ But I gave you all the reports about that, right? may kulang b-------
[ Mas gusto kong marinig iyon sa kanyang bibig, Fuentabella. Just please stall them, no matter what they do.. dont you ever men-------
[ Alright. For you, Samaniego I'll do it. Better not tell me your exact location dahil may pakiramdam kong naka wire tap ang telepono ko. Just come back here safe and sound, ako na ang bahala. ]
[ Thank you, Khal. Goodbye. ]
[ No problem, Bye. ]
tooot..tooot..tooot..
Wala sa sariling basta ko na lang inihagis ang aking cellphone sa sofa na nasa aking likuran. Napadako ang aking paningin sa brown envelop na nasa end table sa aking kanan. Dinampot ko iyon gamit ang aking nanginginig na kamay. Pakiramdam ko sobrang bigat ng mga nilalaman noon. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng iabot sa akin ni Khal ito pero hindi ko iyon magawang buksan para mabasa , dahil sa tuwing tinatangka kong gawin iyon nakakaramdam ako ng takot at kaba.. na may kasamang pangamba. Ilang beses kong sinubukan pero talagang nahihirapan ako.
Parang napapasong binitawan ko iyon ulit. Ibinagsak ko ang aking buong katawan paupo sa sofa na nasa aking likuran. Damn.. my head hurts, my heart aches. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya oras na magising siy--------------------- " W-What did you do? Damn!! my head hurts, my whole body feels like I am hit by a truck.. w-wait------- did y-you d**g m-me, J-Jigs? " napatayo ako agad ng makita ko siyang hirap na hirap maglakad at nakasandal pa ang kanyang buong katawan sa gilid ng pintuan.. yung mga tuhod niya nanginginig pa.. pero agad din akong napahinto ng sumenyas siya sa pamamagitan ng kanyang kanang kamay na wag ko siyang lapitan.. naikuyom ko tuloy ng wala sa oras ang aking dalawang kamay ng dahil doon. Pinagmasdan ko siyang mabuti, nakapikit ang kanyang mga mata, habang humihinga ito ng malalim, gulu g**o ang kanyang medyo kulot na buhok dahil sa galing ito sa pagkakatulog, bahagyang nakaawang ang kanyang labi at namumula ang kanyang magkabilang pisngi. Mabilis kong iniiwas ang aking tingin doon at napadpad ang aking mga mata sa kanyang damit na suot suot. It was my shirt na halos wala namang itinago dahil sa kaunting galaw lang niya nakikita ko ang panloob na suot suot niya. Napalunok tuloy ako ng maraming beses dahil sa lahat ng parteng paborito ko sa kanyang katawan.. yung kanyang mga hita pa ang lantad na lantad.. hindi ko tuloy mapigilang maalala ang mga kalokohan na ginagawa ko sa kanya noon sa tuwing nilalambing ko siya. . those tan, long legged legs na madalas kong halikan at sambahin.. ng aking mga halik na aakyat dahan dahan sa hugpungan ng kanyang mga h-hita------ damn!!! My c*ock was stiff as a steel.
"Nasaan tayo, Samaniego? Talaga bang ginawa mo iyon? You kidn*pped me? Alam mo ba ang ginawa mo?? Anong araw na ngayon?" tinawag niya ako sa aking apelyido.. na para bang estranghero kami sa isat isa.. shet ang sakit sa tenga at lalo na sa dibdib. Samantalang ako.. paulit ulit ko siyang tinawag na mahal.. pero tila wala iyong epekto sa kanya dahil sa nakikita kong reaksyon niya ngayon.. pero ano pa nga bang aasahan ko ehh.. itinakas ko siya ng labag sa kanyang kalooban. " Samaniego, nag iisip ka ba talaga?!!! My father will kill you for this!! damn!! tumakas lang ako sa kanila para makausap ka at ng magkalinawan tayo!! tumakas lang ako!! then you did this!! Mabubulok ka sa kulungan sa oras na makita tayo ng Daddy ko!!! Nag iisi-----------------------
" Wala akong pakialam kahit pa ipakulong o ipapatay ako ng tatay mo, mahal. Youre giving me no choice." pinagdiinan ko talaga ang salitang mahal para kahit papaano malaman niyang naaalala ko ang lahat ng mga pinagsamahan namin at gusto kong maramdaman niya na seryoso ako sa mga sinabi ko sa kanya bago siya mawalan ng ulirat kanina. " Bakit kung sinabi ko ba sayo na sumama ka sa akin? gagawin mo? hindi ka tatanggi? Damn Icka!! nakikipaghiwalay ka na nga sa akin at anong gusto mo hayaan ka na lang? !!! I deserve an explanation! I deserve your attention because I am your goddamn husband!!! "
Nanatili siyang nakatingin sa akin habang nakasandal sa pader... hindi ko kayang arukin ang kanyang mga mata at ang kanyang iniisip. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang lungkot at sakit ng gustong gusto kong pawiin pero alam kong kapag nagpumilit akong lumapit sa kanya.. mas lalo siyang aalma at pipiglas kaya nanatili ako sa aking kinatatayuan. " Explanation? You want explanation!! bakit hindi mo tanungin ang mga magulang mo dahil una sa lahat sila ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay nating dalawa!!! Damn!! I want out on our marriage bakit hindi mo maibigay iyon?!! samantalang noong nasa ospital tayo kulang na lang patayin mo ako sa sobrang galit mo!! Anong nagbago? Nakokonsensya ka!! naaawa ka!! pwes kalimutan mo na iyon at ibalik mo na ako sa Maynila bago pa lumala ang sitw-----------
" Mahal kita!! tang ina Icka!! mahal na mahal kita!! ilang beses ko bang uulit ulitin yan sayo!! Nagkamali ako.. hinusgahan kita pero masisisi mo ba ako ng mga oras na iyon dahil nung kailangan na kailangan kita saka ka naman parang bulang naglaho!! I felt betrayed at that time!! I am broken that tim---------------
" Sa tingin mo ginusto ko iyon!! Ginusto kong iwan ka!! Wala kang alam sa lahat ng mga pinagdaanan k-----------------------
" Then tell me!!! tell me!!! gusto kong malaman galing sayo ang lahat ng mga nangyari!! Para mas maintindihan ko!! " gusto ko siyang yakapin lalong lalo na ngayon dahil wala ng tigil ang kanyang mga luha sa pagpatak.. habang nakatingin sa akin. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya only to be stop dead on my tracks.. ng dahil sa kanyang mga sinabi... na sana lang.. -------
" You want to know the truth, fine then!! para matapos na ang lahat ng ito, para makabalik na tayo sa sari sarili nating buhay.. "
"Nang araw na maaksidente ka.. halos agaw buhay ka na.. kinakailangan kang maoperahan agad dahil kung hindi.. m-maaari kang mamatay.. W-Wala akong malalapitan at makukuhanan ng ganoong kalaking halaga.. kaya kahit ayaw kong gawin .. lumapit ako sa mga magulang mo.. And do you know what your father did? He made me k-kneel and beg on my knees para lang mailigtas ka nila.. kinawawa nila ako.."
" Kinalimutan ko ang hiya at ang pride ko na tanging natitira na lang sa akin.. p-para sayo.. dahil wala na akong choice.. Id rather lose you than s-see you d-dead.. at alam mo kung anong masakit.. tinawanan ako ng ama mo.. inalipusta niya ako.. p-pero ang h-hindi k-ko matanggap------- she was sobbing histerically habang dahan dahang dumadausdos paupo.. damn!! ang sakit sakit ng nararamdaman ko parang sinasaksak ng paulit ulit ang aking dibdib.. " n-namatay a-ang a-anak koooooooo----------
anak...
anak...
Para akong binuhusan ng pagkalamig lamig na tubig sa aking buong katawan.. yung puso k-ko.. tumigil at tila ako hinihika sa paghahabol ng hininga.. hanggang sa maramdaman ko ang panginginig ng aking buong katawan..
anak..
ang anak namin...
matagal kong pinangarap iyon.. matagal kong ipinagdasal sa diyos na biyayaan kami ni I-Icka ng anak..
tapos..
tapos..
namatay..
" T**g ina lang, Icka!!! bakitttt!??? bakitttt?!!" galit na galit na sigaw ko habang tumutulo ang aking mga luha..
" I-I w-was h-hit b-by a-a car.. n-ng araw na ipagtabuyan ako n-ng a-ama mo--------
" I-Icka... a-ang s-sakit.. a-ang sakit s-sakit.. p-please.. p-please.. m-make i-it s-stoppppppp. " puno ng pagmamakaawa kong sabi sa kanya, pero halos manlumo ako ng tumayo siya ng marahan na marahan at tumalikod siya sa akin.. pumasok siya sa loob ng silid na kanyang pinanggalingan pero bago pa niya maisara ang pintuan narinig ko pa ang huling mga sinabi niya...
" I-I cant.. I cant make it s-stop.. dahil kahit ako h-hindi ko alam k-kung papaano.."