[ EIGHT ]
I needed someone to talk too..
kasi pakiramdam ko kapag wala akong nakausap ng ibang tao..
sasabog ako..
sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko..
damn!! sa lahat ng nalaman ko ngayong araw na ito..
ang pagkawala ng aking anak.. ang p-pinakamasakit...
Nilingon ko ang kwartong pinasukan niya.. ilang pulgada lang ang layo ko doon pero hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa doon palapit.. ang bigat bigat ng aking mga paa .. mistulang may mga batong nakadagan doon, may kadenang nakagapos.. Damn!! that woman inside that room endure so much pain.. too much pain by loving me.. at anong naging sukli ko sa lahat ng mga sakripisyo niya.. kinamuhian ko siya, sinaktan hindi man pisikal pero emosyonal... Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata na nanakit na rin dahil sa mga luhang kanina pa pumapatak doon.. ilang beses ko na ring nasabunutan ang aking sarili dahil sa sobrang frustrations.. gusto kong manakit ehh.. gustong gusto kong puntahan ang aking mga magulang.. gustong gusto ko siyang yakapin, aluin at sabihin sa kanyang na hindi siya nag iisa.. na hahatian ko siya.. hahatian ko siya sa sakit na nararamadaman niya.. Kung miserable ang pakiramdam niya.. gusto ko ng kuhanin iyon kahit kalahati lang.. kahit buo na para matigil na ang lahat.. sobra sobra na kasi iyon para sa kanya..
Dinig na dinig ko ang kanyang mga hikbi.. ang kanyang pag iyak...
Kailangan ko ng tulong.. dahil hindi ko na talaga kaya.. at isang tao lang ang alam kong makikinig at makakaintindi sa lahat ng pinagdaraanan ko ngayon..
ring...ring..ring----------
[ Hello. ]
Nanghihinang napaupo sa ako sofa habang nakatingala sa kisame habang na sa aking kaliwang tainga ang aking cellphone.. kaya ko pa bang ibalik? kaya ko pa bang ibalik ang dati? bumawi? kung babawi ba ako bibigyan niya ako ng pagkakataon?
[ J-Jigs, ayos k-ka lang b------- that soothing voice na pagmamay ari ni Cess.. puno ng pag aalala ang kanyang tinig.
[ C-Cess, Im sorry kung naistorbo kita.. k-kailangan----- kailangang kailangan ko lang talaga ng ma-makakausap, n-ng makakaintindi s-sa akin.. h-hindi ko na alam ang dapat g-gaw---------
[ Tama lang na tawagan mo ako, Samaniego at lalong lalo na hindi ka nakakaistorbo. Now tell me what's the problem? Hindi ba at magkasama na kayong dalawa ngayon? ]
[ Yeah.. magkasama na k-kami-------- huminga ako ng malalim dahil nanakit na ang lalamunan ko dahil sa pinipigalan kong pag iyak.. shet langgggggg!!! [ C-Cess, I-I have a c-child--- that did it.. I was crying.. hindi ko na inalintana kung anuman ang itsura ko kung mukha na akong tanga habang umiiyak sa cellphone.. I am breaking down.. totally.. para mailabas ko lang yung nasa loob ko.. yung nasa aking dibdib..
[ J-Jigster, A-Anong nangyari? ]
[ N-Naaksidente s-si Icka.. k-kaya ---- kaya h-hindi rin ito na-nabuhay and the worst part was my father was the reason why it happened. G-god C-Cess.. hindi ko siya malapitan, hindi ko siya mayakap.. kahit gustong gusto ko.. she w-was there.. in h-her r-room crying and pouring her heart out.. C-Cess anong dapat kong gawin? M-Mahal na mahal ko siya.. p-pero n-nakikipaghiwalay na siya sa akin.. G-Gusto kong humingi ng pagkakataon.. isa pang pagkakataon p-pero sa dami ng nangyari, ng lahat ng sakit na pinag daaanan niya ng d-dahil sa akin.. h-hindi ko na alam kung k-karapat dapat p-pa ako. ]
I heard her sniffing on the line. She's crying.. pregnancy hormones.. damn!! masama iyon sa b-baby. B-baby.. kung nabuhay ang anak namin ni Icka.. malamang lamang malaki na siya, siguro humigit kumulang 8 taon na siya ngayon.. mas matanda sila kayna Khalix at Kharel. [ C-Cess hey stop crying, ma-mapapatay ako ng asaw-----------
[ Eh sa naiiyak ako eh.. Bakit b-ba kasi k-kayo n-naghiwalay? ]
[ Kasalanan ng mga magulang ko kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon. Damn!! Pinahirapan nila ang asawa ko.. Hinayaan nilang masira ang pagsasama naming dalawa.. nilason nila ang isip ko at pinaniwala nila ako ng pinagpalit ako ni Icka sa pera.. at ako namang itong si tanga naniwala.. nagpadala.. b-but I have n-no choice t-that time.. nanggaling kasi ako sa aksidente.. pero hindi iyon dahilan para hindi ko siya pagkatiwalaan.. nawala kasi siyang parang bula!! y-yun pala!!! yun pala nagdurusa na siya ng wala pa akong kaalam alam!! ]
[ Then confront them Jigs!! Sabihin mo lahat ng sinabi mo sa akin ngayon sa kanila. Wala silang karapatan panghimasukan ang buhay mo lalong lalo na ang desisyon mo. Nakakagalit naman ang mga nangyari sayo.. sa inyo.. ]
[ Nasaan siya? Nasaan ang asawa mo? ]
[ Nasa kwarto niya, umiiy--------
[ Ano?!! hinayaan mo siyang mag isa doon? umiiyak? nadaramdam? ano n--------
[ B-Baka ipagtabuyan niya ak----------
[ Tanga!! Mas kailangan ka niya ngayon.. Ito ang tandaan mo Samaniego kaming mga babae kapag sinabi naming ayaw namin kayong makita, gusto naming mapag isa kabaliktaran iyon lahat!! Maarte kasi kami, maramdamin.. kung ipagtabuyan ka man niya, ipagtulakan.. yakapin mo lang siya ng mahigpit na mahigpit.. at wag na wag mo siyang bibitawan.. hayaan mo siyang umiyak.. damayan mo siya.. na fu frustrate ako sayo!!! parehas na parehas talaga kayo ni Fuentabella!! magkaibigan nga kayo!! Share her pain!! kunin mo ang sakit, paghatian niyo!! bawiin at pawiin mo iyon!! ] she was shouting at me na halos ilayo ko ang cellphone na nasa aking tenga.. natitiyak kong kung nasa harapan ko siya ngayon.. kinagat na naman niya ako sa aking balikat.. para ako ay matauhan.
[ Masakit.. J-jigs masakit ang maiwan pero wala ng papantay kapag ikaw ay nawalan. She lost your baby.. she lost you.. its too much to take.. tingnan mo na lang ang mga pinagdaanan ko.. Kung nasa harapan mo lang ako ngayon baka kanina pa kita inginudngod at binatukan ng paulit ulit.. Putulin mo na ang tawag na ito at puntahan mo siya.. wag kang tatanga tanga!! wag kang manhid!! kung ayaw mo siyang tuluyang mawala sayo!! ]
and the line went dead.. bago pa ako makasagot sa kanya..
pero isang bagay lang ang tumatak sa aking isipan matapos kong makausap si Cess..
she made me realize na...
mawawala si Icka sa akin ng tuluyan kung hindi ako kikilos..
mawawala siya sa akin..
ang tanga tanga ko nga talaga!! tama si Cess!! tanga ako!! Mas pinagtuunan ko ng pansin ang sariling nararamdaman ko kaysa ang sa kanya.. mas masakit.. mas masakit sa kanya ang lahat at matagal na niya iyong kinikimkim mag isa... Inilang hakbang ko ang pintuan ng kanyang kwarto wala akong pakialam kung saan na nahulog ang cellphone ko.. Pinihit ko ang seradura at laking pasalamat ko ng hindi naman niya iyon nai lock. Hinanap ng aking mga mata si Icka at halos madurog ang puso ko ng makita ko siyang nakaupo sa isang sulok habang yakap yakap nito ang kanyang dalawang binti. Yumuyugyog ang magkabila nitong balikat habang humihikbi.. ganito ba? ganito ba lagi ang ginagawa niya kapag naaalala niya ang lahat? ganito ba siya? damn!! wala akong kwentang tao.. inilang hakbang ko ang kanyang kinauupuan at walang sabi sabing umupo ako sa kanyang tabi at inakbayan ko siya habang tumutulo ang aking mga luha.. I felt him stiffened and she cried more.. pero hindi niya ako itinulak bagkus mas lalo siyang dumikit sa aking katawan na parang umaamot ng init.. Tumingala ako at ng magsawa ako sa kisame.. nilingon ko siya.. ni hindi pa rin siya nag aangat ng kanyang mukha mula sa pagkakayukyok niya.. Inilapit ko ang aking labi sa kanyang bumbunan at hinalikan ko siya doon ng maraming ulit.. whispering.. " I-Im s-sorry.. Im sorry.. Im sorry.. Im sorry.. Im really really sorry m-mahal.. "
" Lets share all the pained that you have.. let me be part of you kahit ngayong araw lang.. pagsaluhan natin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo.. damn Icka.. Im sorry... Im sorry.. mananatili ako sa iyong tabi kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan.. m-mahal na mahal kasi kita. " after saying those words.. I broke down habang yakap yakap ko siya ng mahigpit.. hindi man siya magsalita, ang maramdaman lang ang init ng kanyang katawan sa aking katawan, ang maramdaman ko lang ang mahigpit niya pagkakayakap sa akin habang umiiyak.. lahat iyon ay sapat na.. sapat na para sa akin dahil at least alam ko sa sarili kong kahit papaano ibinabahagi niya sa akin ang kanyang sarili..
Hindi ko alam kung papaano nangyaring nakahiga na kami sa sahig habang ang aking ulo ay nasa kanyang dibdib, ang kanyang kaliwang braso ay nasa aking leeg.. yung kanyang kanang kamay ay masuyong humahaplos haplos sa aking buhok..ng paulit ulit.. ang sarap sarap sa pakiramdam.. bagamat parehas kaming nasasaktan at umiiyak.. and then my heart stop for a second and beats wildly when she said that three words that Ive been longing to hear from her..
" I-I l-love y-you, t-too.. a-at k-kahit k-kailan h-hindi iyon n-nagbago. "