L O S E R 3
*Ringg* *Ringgg*
Break Time. Iniintay ng lahat. habang ako? pinaka-ayaw ko. Naglalakad ako sa hallway papuntang Cafeteria para bumili ng pagkain.
"Si Shawn! ayan na dadaan na sya. bilisan mo." napahinto ako sa paglalakad ng may tumamang matigas na bagay sa likod ko. Tumama? Mali pala, May bumato sakin.
Napabuntong hininga nalang ako at hindi iyon pinansin pero nagulat ako ng may humawak sa braso ko at malakas akong tinulak sa Pader. ramdam ko ang sakit ng likod ko na tumama sa matigas na pader.
"Geez. Shawn versus Julius?"
"Team Julius ako!"
"Nah, mas cute si Shawn kaya team Shawn ako."
"Tumawag na kaya tayo ng teacher?"
"Ano kaba? ang Kj mo!"
Napapikit ako sa mga naririnig ko. Naasar ako sa totoo lang.
"Hoy." napatingin naman ako kay Julius ng turuin nya ang Ulo ko ng malakas at tumama sa matigas na pader.
"Get lost." sabi ko sa kanya at masama syang tinignan tsaka sya tinulak at maglalakad na sana ako nang hilahin ako nito sa Braso at suntukin sa pisngi
Agad na nalaglag sa sahig ang suot kong Salamin at lumabo na ang paningin ko,
"Anong sabi mo?" tanong ni Julius
"Get lost." malamig kong sabi
Alam kong nasa harap ko sya dahil naaaninag ko parin ang mukha nya.
"Sira ulo ka pala eh!" naramdaman ko yung kilos nyang susuntukin ako kaya naman agad akong nagiwas dahilan kaya muntik na syang masubsub sa sahig at narinig kong napa-"Woahh" ang mga Schoolmates namin na nanonood.
"Ahh. sayo ba'to?" tanong nya at nakita kong may pinulot sya sa sahig.
Yung salamin ko.
"Akin na." sabi ko
Hindi sya sumagot at narinig ko nalang ang pagcrack nito ng hayaan nya itong malaglag sa sahig at tinakapan pa.
"Now, we're even." sabi nya
"Shawn!" napalingon kami sa babaeng sumigaw
"Lumayo ka nga sa kanya!" sigaw nya at tinulak si Julius
Shanice..
"Woahh.. andito yung Class President ng Grade 12-A ah." rinig kong sabi ni Julius
"Shut up." sabi ni Shanice at Kinuha yung salamin ko
"Let's go." nagulat nalang ako ng Hilahin ako nito papalayo duon sa hallway.
Huminto kami ng asa Clinic na kami at wala yung nurse.
"Bakit moko Dinala rito?" tanong ko at nagiwas ng tingin
"May sugat ka." sabi nya
"Alam ko. kaya ko namang gamutin ang sarili ko." sabi ko "Yung salamin ko?" tanong ko
"Oh." pagkaabot nya ng salamin ko ay sira na ito.
"Pero sa lagay mo ngayon di mo kaya." sabi nya at may nilagay na bandaid sa sugat ko sa gilid ng labi.
"Pwede ba? wag mo'kong ituring na kawawa. katulad kadin naman nila." sabi ko at tumayo pero hinila nya ako paupo
"Pwede din ba? Manahimik ka lang dyan." sagot nya at umayos ng upo
"Naniniwala ako sa'yo.." sabi nya kaya naman napatingin ako sa kanya "Naniniwala akong.. wala kang kinalaman sa nangyari kay Ma'am Devin. kaya.. Kaya bilisan mo at maghanap ka ng pruweba." sabi nya at tumayo atsaka humarap sa'kin
Kinuha nya ang salamin ko at sinuot ito sa'kin.
"Sira na yung salamin mo, pero cute ka padin tignan." sabi nya atsaka ngumiti sakin tapos ay lumabas na
Cute?
Ako?
● ● ●
Uwian na at naglalakad ako ngayon papunta sa 7/11 para bumili ng Instant Noodles/Ramen.
Tinaas ko ang pagsuot ng bag ko at napatigil sa paglalakad. Mabilis akong lumingon sa likod ko at wala akong nakita na kahit ano o kahit na sino.
Napakunot nalang ang noo ko. Bakit parang may naririnig akong naglalakad sa likod ko?
Napatingin naman ako sa oras at nakitang mage-8 na. Napabuntong hininga ako. Nagkaron kasi ng meeting para sa foundation week.
Biglang nag-ring ang phone ko kaya naman tinignan ko ito at nakitang tumatawag si Shanice. Sinave nya ung number nya kanina sa phone ko habang nagme-meeting kami.
"Ts." sabi ko at pinatay ang phone ko.
Natigilan ulit ako sa paglalakad ng may maramdaman akong naglalakad sa likod ko. Kinuha ko ang phone kong naka-turn off at tinignan ang reflection nung nasa likuran ko at nakita ang isang taong nakasuot ng Itim na cloak na may hood. Hindi ko gano makita ang mukha nya dahil madilim pero kita ko ang mata nyang kulay silver.
Ng makita kong napatingin sya sa phone ko ay agad kong binalik sa bulsa ang phone ko at tumakbo.
Si-sino sya?! bakit hindi ko makita ang kulay ng aura nya? anong nangyayari?
Napunta ako sa eskinitang hindi ko alam at napansing wala na ang sumusunod sa'kin. Inayos ko ang suot na salamin at kumurap.
Who the hell is that guy?
● ● ●
Maaga akong pumasok. halos wala pa akong kaklase rito at naka-subsob lang ang ulo ko sa lamesa.
"Shawn," napa-taas ang tingin ko
Hindi ako nagsalita at tinignan lang sya.
"Wala ka padin bang balita?" tanong nya
Hindi ko sya pinansin at bumalik nalang ako sa pagtulog ng maramdaman kong inurong nya ang upuan nya at tumabi sa'kin. Maya maya ay naramdaman ko nalang ang pagkalabit nya sa'kin.
"Ano?" tanong ko sa kanya at tinignan ng masama
Psh.
"You have to find the killer, or at least, prove that you are innocent." sabi nya tinignan lang ako ng maigi
"If I won't do it, what will you do?" tanong ko
"I.." huminto sya ng malalim saglit at napakagat sa labi "I will believe that you killed her." sabi nya at tumayo pero hinawakan ko sya sa wrist
"I didn't kill her! ilang beses ko bang kelangang sabihin yun para maniwala ka?" sabi ko
"I don't know! iba ka kase! iba yung kinikilos mo! hindi ko alam kung sino ka talaga o ano ka talaga. i'm sorry." sabi nya at tinabig ang kamay ko
"But why did you followed me?" tanong ko
"Huh?" takang tanong nya
She's weird.
"Bakit mo'ko sinundan non sa 7/11? Pati narin tinutuluyan ko ay gusto mong malaman." tanong ko
"Ahh." sabi nya at yumuko "That's because... i'm interested in you." sabi nya at nag-iwas ng tingin pero nagsalita ulit "I gotta go." mabilis syang tumakbo palabas dito sa Classroom at naupo nalang ako.
Interesado sya sa'kin? bakit? may gusto ba sya sakin? pero impossible. Isa akong Nerd, loner at Loser. Sino bang magkakagusto sa'kin?
• • •
Nagising ako sa alarm ko at bumangon na. Matapos kong mag-almusal ay nagasikaso na ako dahil may pasok pa. Sinuot ko na ang bag ko at pagbukas ko ng pinto ay napakunot ang noo ko ng makita si Shanice na naka-ngiti.
"Goodmorning!" Sabi nito at hinila ako papalabas ng apartment.
"Bakit ka andito?" Tanong ko
"Ahhm, may binili kasi ako malapit dito kaya naisip ko na sabay na lang tayo pumasok." Sabi nito at inabutan ako ng egg pie
My favorite.
"Favorite mo to diba?" Sabi nya at kinuha ang kamay ko tsaka pinatong ung egg pie
"Pano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya
Hindi sya sumagot at ngumiti lang. "By the way, may iu-update kana ba sakin?" Tanong nya habang kumakain ng tinapay
"Wala pa." Maiksi kong sabi at kinain na lang rin ung binigay nya dahil sayang
"Pang 5th day na ngayon Shawn." Paalala nya
"Alam ko." Sabi ko
"Buti naman." Sabi nya
Matapos ang 15 minutes na pakikinig ko sa kadaldalan ni Shanice ay nakarating na din kami sa St. Caxton Academy. Ang paaralan namin. Pinagtitinginan kami ni Shanice sa campus ng makapasok kami.
"Maghiwalay na tayo." Sabi ko dahil ayoko ng pinagtitinginan ako
"Bakit?" Malungkot nyang tanong
"May pupuntahan pa ako." Sabi ko at nauna na
Nakahinga ako ng maluwag ng wala na si Shanice. Sikat kasi si Shanice sa campus dahil maganda ito at matalino rin. Gusto kong umiwas sa mga taong gaya nya pero sa kulit nya ay impossible.
• • •
Uwian na namin at nasa tapat ako ng bahay ng bf ni Ms. Devin para kausapin ito. Kanina pako kumakatok at tinatawag ang pangalan ng bf ni Ms. Devin pero walang sumasagot.
"Shawwwnnn!!"
Kunot noo akong napalingon at nakita si Shanice na nagbibike papunta sakin.
"Shanice?"
Hanggang dito ba naman?
"Sabi ko na nga ba at andito ka!" Sabi nya at tumawa "kanina kapa ba kumakatok dyan?" Tanong nya
Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkatok sa pintuan.
"Mukhang wala si Kuya Gio dyan ah." Sabi nito at bumaba sa bike nya at tumabi sakin "Gusto mo pasukin natin?" Mahina nyang sabi sakin at ngumiti
"What? Baliw kaba?" Agad kong sabi sa kanya
"Joke lang! Eto naman di mabiro. Ang dami kayang tao." Sabi ni Shanice at napatingin sa paligid
"Tsk." Napasimangot nalang ako at maglalakad na ng magsalita sya
"Stoop!" Sabi nito at sumakay sa bike nya atsaka lumapit sakin "Sakay."
"Huh?" Takang tanong ko
"Sabi ko, sakay kana. Ihahatid na kita sa inyo. Nakabike naman ako eh. Tsaka di ka naman mabigat no?"
"Kaya ko maglakad." Sabi ko at nagsimula ng maglakad ng harangan nya ang daanan ko
"Te-teka! Sige na pleasee? Hatid na kita. Malayo pa naman ung tinutuluyan mo rito." Sabi nya sakin
Napa-buntong hininga na lang ako at pumayag. "Fine." Paggigive up ko
"Yeheyy!" Masayang sabi nito
Umupo ako sa likuran at nakayakap lang ako sa bag ko.
"Wag mong bilisan ah." Sabi ko sa kanya
"Suree!" Sabi nito at
"Shanice!" Saway ko sa kanya dahil ang bilis nya at muntik na akong malaglag
Narinig kong tumawa sya at hininto nya ang bike. Kinuha nya ang dalawang kamay ko at nilagay ito sa bewang nya.
"Te-teka--"
"Okay lang, Shawn. Kapit ka ng maigi para di ka malaglag." Sabi nito at ngumiti sakin
Naramdaman ko ang mainit at malambot nyang bewang dahil manipis lang ang tela ng uniform namin.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Shanice
"Ha?" Takang tanong ko
"You're blushing." Sabi nito atsaka tumawa ng mahina
"Hi-hindi ah!" Sabi ko at agad na tinanggal ang kamay sa bewang nya.
Shit. Pakiramdam ko ang init ng pisnge ko. Bakit kasi nilagay nya ung kamay ko sa bewang nya? Hindi nya ba alam na lalaki parin ako?
"It's fine, Shawn. You're cute." Sabi nito at nilagay ulit ang kamay ko sa bewang nya "kapit ka lang sakin."