LOSER 4

2073 Words
Shawn's POV 7th day. Wala parin akong clue at hindi ko mahanap ang boyfriend ni Ma'am Devin. "Shawn. Are you avoiding me?" Tanong ni Shanice "No." Sabi ko at sinuot na ang bag dahil uwian na "Yung usapan natin, Shawn." Seryosong sabi ni Shanice at umupo sa desk ko Wala ng estudyante rito at kaming dalawa nalang ang natitira. "Alam ko." Sabi ko at aalis na ng hawakan nya ako sa braso "Kelangan ng justice ni Ma'am Devin." Sabi nya at tumayo "I'll wait till 10 pm. Pag wala parin, i'll report to the police kung ano ung nakita ko." Tinanggal nya na ang pagkakahawak sa braso ko at lumabas na "Tch!" Sinipa ko yung chair ko sa inis. Gusto ko lang naman mabuhay ng tahimik pero bakit ganito? Sinumpa talaga ata ako ng diyos. • • • Asa 7/11 ako ngayon at kumakain ng paborito kong cup noodles. May pumasok na mag tatay at napa-tingin ako sa batang lalaki dahil pula ang aura nito. "Daddy! Gusto ko yung chocolate na yun!" Turo nito sa chocolate na nakalagay malapit sa counter "Sige, isa lang ha? Kakabunot lang kahapon ng isa mong ngipin. Baka sumakit nanaman yang ngipin mo sa itaas." Paalala ng kanyang tatay "Opo! Promise daddy, konti lang kakainin ko. Hati tayo!" Masayang sabi nung bata Napa-yuko ako. Kamusta na kaya si Papa? Sana ayos lang sya. 3 years na kaming di nagkikita. Simula nung naging 15 years old ako ay umalis ako sa bahay at lumipat ng tirahan dahil di ko matanggap na ikakasal na sya ulit. Papalitan na nya si Mama sa buhay namin kahit kailan ay hindi ko matatanggap yun. Ramdam ko ding ayaw sakin ng babaeng pinakasalanan nya dahil laging mainit ang ulo nito sakin. Kaya humiling ako kay Papa na lilipat ako ng tirahan at pumayag naman sya. Binibisita nya pa ako noon palagi o kaya minsan ay tinatabihan nya ako matulog at dinadalhan ng mga pagkain o gamit. Pero matapos ang ilang buwan ay hindi na nya ako dinalaw dahil nabuntis na ang bago nyang asawa. Simula non ay naging busy na sya at pinapadalhan nya nalang ako ng pera every month. "Kay mommy mo na lang ibigay ang kalahati. Paborito yan ng mommy mo." Sabi ng kanyang tatay "Sige daddy! Puntahan natin si Mommy ngayon sa hospital, sana gising na sya. Anim na buwan na syang tulog. Nami-miss ko na sya, daddy." Malungkot na sabi nung bata. Nalungkot ako sa narinig. Comatose ang nanay nya? Pano na ang tatay nya pag nawala pa sya? Magiging mag-isa na lang sa buhay ang kanyang Ama. "Sige anak, tara na at marami pa tayong iku-kwento sa Mommy mo." Sabi ng kanyang tatay Matapos nyang magbayad sa mga binili nila ay lumabas na sila dito sa 7/11. Habang kumakain ay naka-tingin lang ako sa kanilang dalawa sa labas na nag-aantay maging red ang stop light para makatawid. Kinuha ng tatay nya ang phone nya at may kinakausap sa phone. Napa-tingin ako sa maliit at kulay itim na aso na lumapit sa bata. Hinawakan nya ito at kinuha ang tali. Naliligaw ata yung aso. Biglang tumakbo ung aso sa tawiran at nabitawan ng bata ang tali kaya tumakbo ito at sinundan ung aso. Napa-tayo ako ng makitang may malaking truck na mabilis na nagpapa-takbo ngayon at mukhang hindi nya napansin ang batang lalaki sa kalsada. "Ruth!!" Rinig kong malakas na sigaw ng kanyang tatay kasabay ng pagbangga ng malaking truck sa batang lalaki Nakita ko ang umiiyak nyang Tatay na binuhat ang kanyang katawan. Nagkalat sa sahig ang dugo ng bata at inaamoy iyon ng itim na aso. Bumaba ang driver at halata sa mukha nito ang guilty na kanyang nararamdaman. Hindi ko marinig ang kanilang usapan ngunit alam ko ang kanilang mga nararamdaman. Tinapon ko sa trash can ang cup noodles ko ng maubos ko na ito at sinuot ang hood ng itim na jacket na suot ko. Lumabas ako sa 7/11 at nakitang dumating na ang ambulansya at may mga police narin. Maraming tao ang huminto at nakikisuri kung ano ang nangyari. Hinuli nila ang driver na pagod sa paghahanap buhay para lang may mapa-kain sa kanyang pamilya. Naluluha ito at paulit ulit na humihingi ng tawad. Kita ko sa mga mata nya ang kanyang nararamdaman. Sino na ngayon ang mag-hahanap buhay sa kanila para may makain? Sino na lang ang magpapa-aral at magbabantay sa kanyang mga anak? Ang tatay naman ng batang lalaki ay iyak ng iyak at nawawalan na ng pag-asa sa buhay dahil ang kanyang asawa at anak ay nasa kritikal na kondisyon. Gusto ko man sya tulungan ngunit hindi ko na magagawa. Mali ang ginawa ko kay Shanice. Alam kong may kapalit ang ginawa ko at Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyayari sa inakto ko. Napa-tingin ako sa batang lalaki ng ilagay na ito sa higaan at nakita kong naka-tingin ito sakin. May luhang pumatak sa kanyang mga mata bago tuluyang pumikit. Sanay na ang aking mata na maka-kita ng mga aksidente o kaya ay sadyang pag-patay. Ngunit hindi parin sanay ang aking puso. Nakakaramdam padin ako ng awa at lungkot sa kanila. Gusto ko man sila tulungan ngunit hindi maari. Hindi ko pwede pigilan ang tadhana ng isang tao. Diyos lang ang may karapatan gumawa non. - - - Magna-9 pm na at nasa tapat ako ng bahay ng Bf ni Ma'am Devin na si Gio. Nagsimula na akong kumatok dito. "Tao po!" Sigaw ko at nilakasan ang katok ngunit wala paring sumasagot. Tinignan ko ang relo ko. I'm running out of time. Napatingin ako sa paligid at walang katao-tao. Napalunok ako at huminga ng malalim. I need to do this kung ayoko madamay sa pagkamatay ni Ma'am Devin. Malakas kong sinipa ang pintuan at bumukas ito. Naramdaman ko ang pawis ko sa noo at mabilis na pag-t***k ng aking puso dahil sa kaba na nararamdaman. Tumingin ulit ako sa paligid at walang tao. Agad akong pumasok at binuksan ko ang ilaw. Medyo magulo rito sa loob. Nagkalat ang yosi sa sahig sa sala at gulo gulo ang upuan. Ng mapunta ang tingin ko sa isang pinto ay binuksan ko ito. Binuksan ko ang ilaw at nakitang kwarto ito. Maliit lang dito pero malinis. Agad kong binuksan ang brown na cabinet at kinalkal ito. Hindi ko alam kung may mahahanap ako pero nagbabakasakali ako na may matagpuan dahil kailangan. Ng wala ako makita sa cabinet ay binuksan ko ang drawer sa tabi ng kama. Nanlaki ang mata ko ng makita na andito ang malaking bato na may tuyo na dugo at may katabi itong maliit na kahon. Kinuha ko ang gloves sa bag ko at maingat na kinuha ung bato at nilagay ito sa bag. Binuksan ko ang maliit na kahon at nakita ang isang singsing na may diamond. Para kanino ito? Para kay Ma'am Devin ba ito? Pero bakit? Bakit nya pinatay si Ma'am Devin kung bibigyan nya ito ng napaka-importante na singsing? "s**t. I need to go." Napatingin ako sa relo at nakitang 9 pm na. Nilagay ko din sa bag ang maliit na kahon at nagmamadali akong lumabas ng bahay. Sinara ko ang pinto at naglakad na. Tinawagan ko si Shanice. "I found the murderer's weapon." Sabi ko "Really? Good! Actually, Asa police station ako right now." Sabi nya Huminga ako ng malalim. Ganon ba sya ka-excited na magsabi sa mga police at 1 hour early sya? "So what's the plan?" Tanong ko "I'll wait you here. Kelangan natin ibigay sa mga police yan at sabihin ang totoo." Sabi nito "Fine." Sabi ko at tumingin sa madilim at walang katao tao na paligid "Asa park na ako, wait for me--" agad akong natigilan ng may maramdaman akong patalim na nakatutok sa tagiliran ko "Hello? Shawwwnn?" Rinig kong tawag ni Shanice Nabitawan ko ang phone ko ng maramdamang tumusok ito sa tagiliran ko. "Give it to me!" Sabi nitong lalaki "Hindi ba gf ka ni Ma'am Devin? Pano mo yon nagawa sa kanya?" Tanong ko "Shut up and give me the damn stone!" Sabi nito at mas diniinan ang hawak na patalim Fuck! Nararamdaman ko ang pagtusok ng patalim sa tagiliran ko at nararamdaman ko na ding tumutulo ang aking dugo. Buong pwersa kong tinapakan ang paa nya at siniko ang sikmura. "P*tangina!" Sigaw nito sa sakit. Napabitaw sya sakin at tatakbo na sana ako ng mahawakan nya ang bag ko. "Hindi mo alam ang nangyari! Wala kang alam kaya ibalik mo na sakin yang bato at singsing!!" Galit na sigaw nito at at aktong sasaksakin ako ng naka-ilag ako at nadaplisan ang aking braso Shit! Napatingin ako sa braso ko at nagdudugo ito. Napapikit ako sa hapdi at sakit na nararamdaman ko. Bakit ba ako nandito ngayon? Bakit to nangyayari sakin ngayon? Dahil kay Shanice to. Sinipa ko ang tuhod nya at napahiga sya kaya agad na tumakbo ako. Nakahawak ako sa tagiliran ko na nagdudugo at nagtago ako sa likod ng slide. Pinipigilan kong mapa-ungol sa sakit ng braso at tagiliran ko. Napatingin ako sa braso ko at hindi rin ito tumitigil sa pagdurugo. Malas. "Asan ka?!" Hindi ako gumalaw ng marinig ko ang sigaw ni Gio "Hindi mo alam ang ginawa ni Devin sakin!" Galit na sigaw nito Nararamdaman kong papalapit na sya sakin. Kailangan ko magipon ng lakas para labanan sya. "Niloko nya ako.." narinig ko ang lungkot sa boses nito "Magpopropose na sana ako sa kanya.. ng malaman ko na buntis sya sa kaibigan ko." Natigilan ako sa nalaman ko. Si Ma'am Devin buntis? "Hindi nyo alam gano kasakit ang ginawa nya sakin.." pahina ng pahina ang boses nito "Hindi naman ako nagkulang pero ginago nya ako!" Galit na galit na sigaw nya "kaya tama lang yung nangyari sa kanya!" Baliw na ba sya? Dalawang buhay ang kinitil nya. Wala syang awa. Tao pa ba sya? Tinago ko ang bag ko sa ilalim ng slide at tumayo. "You need to give up. Sumuko kana sa mga police. Kailangan mo pagbayaran ang ginawa mo." Sabi ko sa kanya "Hindi pa pwede! Kailangan ko pa patayin ang kaibigan ko dahil sa panloloko nya sakin! Kailangan nilang mamatay na dalawa!" Sigaw nito at tumakbo sakin Tinutok nya ang kutsilyo sakin pero agad kong iniwasan ito at hinawakan ang braso nya na may hawak na kustilyo. Kinuha ko ang kutsilyo at hinagis. Nagulat ako ng suntukin ako nito sa tagiliran at nagsuka ako ng dugo. Napahiga ako at namimilipit sa sakit. Ramdam ko na mas lumakas ang pagtulo ng dugo ko sa tagiliran. Lumabo rin ang paningin ko dahil tumalsik ang salamin ko. Naaninag kong tumayo si Gio sa harapan ko at umupo sa gilid. Kulay berde ang aura nya. "Hindi mo ako naiintindihan. All my life.. si Devin lang ang babaeng minahal ko. Sya lang at wala ng iba. But she cheated. Sa kababatang kaibigan ko pa." Sabi nito at naglabas ng sigarilyo at sinindihan ito Tumayo sya at kinuha ang kustilyo. "Sayang ka dahil bata ka pa. Pero masyado ka ng maraming alam. Hindi kana pwede mabuhay." Sabi nito at tinapat ang kutsilyo sa leeg ko "Are you happy?" Tanong ko sa kanya "That you killed the only woman you ever loved and her baby?" Natigilan ito at nakita kong may tumulo na luha sa kanyang mga mata. Nakita ko ang pagsisisi sa ginawa nya ngunit hindi nya na ito matatakasan dahil tapos na. At ngayon ay wala na syang ibang choice kundi ang patayin ako kung gusto nya pang ipagpatuloy ang plano nya. *bang* Nakarinig ako ng tunog ng baril at napatingin ako kay Gio na nakahiga na ngayon sa sahig. May tama sya sa balikat at nakahawak sya dito habang sumisigaw sa sakit. Hindi nya pa araw ngayon dahil kulay berde parin ang kanyang aura. "Shawn!!" Napatingin ako sa babaeng lumapit sakin "Ayos ka lang ba?" Tanong nito "May sugat ka!" Nakita ko ang pagaaalala sa kanyang mga mata. "Shanice.." mahina kong tawag sa panglan nya "I'm sorry, Shawn. It's my fault." Umiiyak na sabi nito at niyakap ako "I'm fine.." mahina kong sabi kahit nanlalabo na ang aking paningin Naririnig ko ang mga police na nag-uusap. Hinuli na nila si Gio at sinakay sa kotse. Tumawag naman ng abulansya ang iba. "Don't worry, Shawn. I'm here. No one will hurt you now." Sabi ni Shanice bago ako nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD