Unti-unti akong dumilat at nakita ang puting kisame. Kumarap kurap ako at napatingin sa paligid. Kinuha ko ang salamin ko sa lamesa sa gilid at sinuot ito. Kulay puti ang dingding at tahimik. Nakita ko ang dextrose na naka-kabit sa aking kanang kamay. Napa-tingin naman ako sa babaeng mahimbing natutulog na naka-upo sa tabi ko.
Si Shanice.
Tinignan ko ang oras at 4 am na. Bakit nya ako binabantayan? Hindi ba sya hinahanap ng mga magulang nya?
Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha nya. Ngayon ko lang napansin na matangos pala ang ilong nya. Mahaba ang pilikmata nya at pinkish ang kanyang labi. Kulay brown at mahaba ang kanyang buhok. Bigla kong naalala yung mainit at malambot nyang bewang.
Agad akong umiling.
Tch. Ano ba tong iniisip mo Shawn?
"Gising kana pala." Napa-tingin ako kay Shanice na bagong gising at naka-ngiti sakin ngayon
Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin "Patawad. Pinaghinalaan kita, Shawn." Mahinang sabi nito at hinigpitan ang yakap sakin. "Napunta pa sa panganib ang buhay mo dahil sakin." Narinig ko ang mahina nyang pag-iyak.
Agad akong umalis sa pagkakayakap at tinignan sya.
"It's not your fault. Don't cry." Sabi ko at inabutan sya ng tissue "Sadyang baliw lang ang naging boyfriend ni Ma'am Devin." Dugtong ko pa
Parang bata nyang pinunasan ang luha at tumingin sakin.
"Akala ko kung ano na nangyari sayo nung namatay ang tawag." Sabi nito at humikbi "Sobrang kinabahan ako at natakot."
Napa-kurap ako saglit at yumuko. Ganito ba pakiramdam ng may isang tao na nag-aalala sayo? Masarap pala sa pakiramdam.
"Ayokong mawala ka." Mahina at naka-yukong sabi nito "Mabuti na lang at di malala ang nangyari sa'yo." Sabi pa nito at tumayo para kumuha ng tubig
"Thank you." Ito lang ang lumabas sa bibig ko
Thank you kasi pinaramdam mo sakin na may isang taong nag-aalala sakin at ayaw ako mawala. Salamat, Shanice.
"Hindi ka dapat mag thank you sakin, kasi dahil sakin kaya ka andyan." Sabi nya at inabutan akong tubig
Hindi ako sumagot at ngumiti lang ako saglit atsaka ininom ang tubig na binigay nya.
"Teka!" Sabi nito at tinuro ako "Ngumiti ka sakin?" Naka-ngiting tanong nito
Agad akong naubo at nilapag ang baso sa table sa gilid.
"Shawn, Ayos ka lang?" Seryosong tanong nito at nilapitan ako
"O-Oo." Agad kong sagot
"Gusto mo ng kiss?" Naka-ngiti nitong tanong
"Umuwi ka na nga." Sabi ko at nagtalukbong ng kumot.
"Joke langg!" Sabi nito at narinig kong tumawa.
• • •
Halos isang linggo na ako absent sa school at kaka-discharge ko lang sa hospital. Buti na lang at hindi malalim ang sugat ko sa tagiliran. Naka-uwi na ako sa apartment ko at humiga ako sa kama. Tinanggal ko ang suot na salamin at pinikit ang aking mga mata.
Gusto ko na muna magpahinga. Masyadong maraming nangyari ngayong week.
Naka-kulong na si Gio at nagconfess na sya sa mga police. Pinatay nya ang gf nya dahil sa selos at ayaw nya itong mawala sa kanya. Nalaman nya ding buntis ito at ang kanyang kababata na kaibigan ang Ama ng dinadala ni Ma'am Devin. Magpopropose na sya sana rito pero nasira lahat ng plano nya para sa future nila ni Ma'am Devin. Grabe ang impact non sa kanya kaya nya din nagawang patayin ang kanyang girlfriend.
*Bzzt* *Bzzt*
Napadilat ako at kinuha ang cellphone. Nakita kong may 25 missed calls na ako kay Shanice at 45 na texts galing sa kanya na nagtatanong kung asan ako at bakit hindi ako nag-paalam na sa kanya na magdidischarge na ako.
Tinignan ko ang oras at 7 pm na. Pinatay ko ang cellphone ko at pinikit ang mga mata.
I'm tired. Kailangan ko muna magpahinga.
• • •
Mag-isa akong naglalakad ngayon papunta sa school. Panigurado ay usap-usapan ako ngayon dito.
"Uy, si Shawn."
"Grabe naman yung nangyari sa kanya. Kawawa naman sya."
"Kaya nga eh."
Kinuha ko ang earphones ko at sinuot ito. Nakinig na lang ako ng kanta hanggang sa maka-punta ako sa classroom. Agad akong umupo at sinubsob ang aking mukha sa desk. Sana walang quiz dahil wala akong kaalam-alam ngayon.
"Shawn!"
Napatingin ako sa mga babaeng kaklase ko na naka-tingin sakin ngayon. Ginala ko din ang paningin ko at hindi ko makita si Shanice. Asan sya?
"Totoo ba ung nangyari nung isang gabi?"
"Grabe naman pala si Sir Gio."
"Buti na lang nakaligtas ka!"
Napa-kurap ako dahil sa weird na inaakto ng mga classmates ko. Kulay berde naman ang kanilang mga aura pero bakit ganto sila? Bakit parang biglang nagkaron sila ng pake sakin?
"You can have my apples and water. Pagaling ka~" sabi pa nila at bumalik na sa kanilang pwesto
Inayos ko ang suot na salamin at napatingin sa tatlong mansanas at bottled water sa desk ko. Hindi ba ako nananaginip?
Napa-tingin naman ako sa pumasok at si Shanice ito. Naka-tingin sya sa desk ko at napakunot ang kanyang noo
"Binigay ba sayo to ng mga babaeng kaklase natin?" Tanong nya at tumango lang ako
Sinamaan nya ako ng tingin at umirap.
"Anong problema?" Tanong ko
Hindi sya sumagot at umupo na lang sya sa harapan at hindi na ako nilingon.
Bakit sya nagagalit sakin?
Tapos na magdiscuss si Sir Fernando at break time na namin. Tumayo ako at nagtungo sa canteen. Pipila na sana ako ng bilang dumating si Julius.
"Look who's here!" Sabi nito at nagtawanan sila ng dalawa nyang kaibigan
"Shawn the survivor!" Sabi pa ng isa at narinig ko ang tawanan ng ibang estudyante sa paligid
Huminga ako ng malalim at pumila.
"Hey bro, i'm still not done here." Sabi ni Julius at binangga ang balikat ko
"Ano bang problema mo?" Mahinahon kong tanong
"Bakit lumalapit sayo si Shanice? Anong ginawa mo sa kanya?" Seryosong tanong ni Julius
Hindi na ako magugulat kung may Gusto sya kay Shanice dahil sikat naman talaga sa campus si Shanice at maraming nagkakagusto sa kanya.
"Wala akong ginagawa. Sya ang lumalapit sakin." Honest kong sagot at pipila na ulit ng suntukin ako nito sa pisnge at natumba
Na-laglag ang salamin ko at blurred nanaman ang aking paningin. Kakalabas ko lang sa hospital at eto naman ang sumalubong sa akin.
"Stay away from Shanice." Galit na banta nito sakin "let's go." Sabi nya sa mga kaibigan nya at lumabas na sila ng canteen.
Hinanap ko ang salamin ko at may babaeng lumuhod sa harapan ko para makapantay nya ang mukha ko.
"Eto ba hinahanap mo?"
Napa-kunot ang noo ko at ng makita ang mukha nya ay tumango ako. Sinuot nya ang salamin ko sakin at nakita ko ng malinaw ang maaliwalas at inosente nyang mukha. Hinawakan nya ako sa kabilang braso at tinulungan akong makatayo.
"Kakalabas mo lang sa hospital, Shawn." Sabi ni Shanice
"Alam ko." Tipid kong sagot
Hindi ko naman ginusto na mapa-away ako at ayoko ng gulo. Kailangan ko iwasan si Shanice kung gusto ko ng tahimik na buhay.
"Sabay na tayo mag-lunch." Sabi nya
Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko. "Wag na." Sabi ko at naglakad na papalabas sa Canteen.
- - -
Uwian na at sinuot ko na ang bag ko. Nakita ko si Shanice na busy na nakikipag-usap sa mga kaklase namin. Ng mapa-tingin sya sa'kin ay umiwas ako ng tingin at lumabas na sa Classroom. Hindi ko alam anong nangyayari sakin.
*bzzt*
Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang nag text si Papa.
I heard what happened to you. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Magkita tayo sa paborito mong restaurant mamayang 7 pm.
I forgot, may ama pa nga pala ako. Ni-replyan ko lang sya ng sige at binalik ko na ang phone sa bulsa ko. Tinignan ko ang oras at 6 pm na. Napa-buntong hininga na lang ako at lumabas na ng school.
Umuwi muna ako at nagpalit ng damit. Ng makita ko na malapit na mag 7 pm ay pumunta na ako sa paboritong restaurant naming mag pamilya dati.
"Shawn!" Pagpasok ko ay narinig ko ang tawag sakin ni Papa
Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa harapan nya. It's been 3 years at ngayon ko lang ulit sya nakita. Napa-tingin ako sa mukha nya. May mga puting buhok na sya at medyo pumayat sya pero mukhang bata parin sya.
"How are you?" Tanong nya
"Fine." Maikli kong sagot
Nilagyan nya ng paborito kong sweet n' sour fish fillet ang pinggan ko.
"Naalala ko paborito mo yan dito kaya yan ang inorder ko." Sabi nito
Hindi ako sumagot at uminom lang ako ng water.
"Kamusta na ung sugat mo?" Tanong nya at napa-tingin sa braso ko na may bandage
"Ayos lang." Tipid kong sagot at nagsimula kumain
"Yung sa tagiliran mo? Mabuti na lang at hindi malalim." Sabi nya at sinimulan na din kumain
"Ayos lang din." Sabi ko
"Pinadalhan ko ng extra money ang banko mo dahil baka naubos na ung allowance mo sa pagpagamot sa hospital." Sabi nito
"Maghahanap na akong part time job. 18 na ako. Pwede mo na itigil pagbigay sa'kin ng pera." Sabi ko
Alam kong tutol ang bago nyang asawa sa pagpapadala sakin ng allowance at iba pang panggastos dahil maka-sarili ang babaeng iyon. Malayong malayo sya kay Mama.
"Pwede ka mag-part time kung gusto mo pero bilang ama gusto kong suportahan ka parin financially dahil gusto kong maging maayos ang buhay mo at dahil wala naman ako sa tabi mo." Sabi nito
"Bakit? Kaya ko naman mag-isa. Hindi ko kayo kailangan." Matigas na sabi ko
"Shawn. Ama mo parin ako." Sambit nito
"Ama? Hindi ba inabandona mo na ako simula nung namatay si Mama? Asan ka nung kailangan ko ng masasandalan?" Hindi ako maka-tingin sa kanya dahil alam kong maiiyak lang ako
"Shawn.. alam mo namang masakit sakin ang nangyari-"
"Masakit din sakin pero mas masakit na pati sarili kong Ama iniwan ako." Sabi ko at tumayo. Aalis na sana ako ng may marinig ako
"Shanice!" Napa-tingin ako sa tumawag kay Shanice
Nakita ko si Shanice na may kasamang babae at lalaki na nasa 30's na. Magulang nya ata.
Tumayo si Shanice "Ayoko nga sabi!" Sabi nito at tinabig ang mga baso at pinggan sa kanilang mesa
Anong nangyayari?
Ng mapa-tingin sakin si Shanice ay umiiyak sya. Agad syang tumakbo papunta sakin. Hinawakan nya ako sa kamay at hinila palabas sa restaurant kahit tinatawag na kami ng mga magulang namin.
"Samahan mo'ko, Shawn." Sabi nya habang tumatakbo kami
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko
"Kahit saan. Basta malayo sa kanila." Sabi nito
Napa-tingin ako sa mahaba nyang buhok na hinahangin malapit sa aking mukha. Naaamoy ko ang mabango nyang buhok. Napa-tingin din ako sa kamay ko na hawak hawak nya ngayon. Ang lambot ng kamay nya at malamig ito.
"Andito na tayo." Sabi nya at humarap sa'kin
Pinunasan nya ang kanyang luha at ngumiti sa'kin. "Can we stay here? I don't want to go home yet." Sabi nya
Napa-tingin ako sa paligid at nakitang nasa wooden lake bridge kami. Walang ka-tao tao rito dahil hindi ito sikat at kinakatakutan ito ng ibang tao dahil may namatay na rito. Napa-tingin ako sa marami at nagtataasang puno sa paligid. Konti lang din ang poste dito kaya hindi gaano maliwanag. Napa-tingin naman ako sa tubig na nirereflect ang buwan.
"Why?" Tanong ko
Napa-tingin ako sa kamay ko na hawak nya parin.
"So-sorry.." sabi nya at binitawan na ang kamay ko "May misunderstanding lang kami ng parents ko." Sabi nya at sumandal sa handrail "Ikaw? Papa mo ba ung kasama mo kumain don?" Tanong nya
Hindi ako sumagot at tumango lang ako.
"Kamukha mo sya." Sabi nya at ngumiti
Humarap sya sa handrail at kumapit dito. "Sana.. normal na lang ako." Mahina nyang sabi
"Normal?" Tanong ko
Matagal ko na hinihiling na sana normal na lang din ako. Na sana hindi ko nakikita ang mga aura na iyon. Pakiramdam ko sumpa sakin to ng diyos. Hindi ko alam kung ano ung nagawa ko noon at pinapahirapan ako ng ganito.
"I just.." huminto sya saglit at napa-kunot ang noo ko ng makitang tumuntong sya sa handrail at umupo dito "... hate my parents." Sabi nito at tumalon sa lake
"Shanice!" Sigaw ko