Sage’s POV Nakatulala lang ang magkakapatid na Kaiser habang nakaupo sila sa couch at nakatitig lang sa white coffin na nasa kanilang harapan. Nasa tabi ang kanilang mga magulang, may kausap ang kanilang mga ama na mga tao habang ang kanilang ina ay walang tigil sa kanyang iyak. Nang masigurado namin na si Aisha talaga ang bangkay na natagpuan nila na malapit sa aming van, inasikaso na namin ang kanyang wake. Dito sa mansion namin siya dinala at hindi sa isang funeral home. We just want to feel that she’s still here with us. This is just so unbelievable for us dahil parang ang bilis ng mga nangyari. Pupunta sila sa Amerika, they were on their way at the airport. She wants to start over and heal herself dahil sa lahat ng pinagdaanan niya. Tiniis niya lahat ang pambu-bully ng mga babae na

