Bigla nagpreno ang aking driver nang bigla na lang may sumulpot na tao sa harap ng aming sasakyan. Malakas ang ulan at mabuti na lang at nakita ko ito kaagad kaya naman napatigil ang sasakyan na hindi ito nasasagasaan. Hindi ko maaninag ang mukha nito at nakatayo lang sito roon na hinawakan pa ang hood. Nagulat na lang ako nang matumba ito sa kalye kaya naman agad namin itong pinuntahan. Wala na akong pakialam kahit mabasa pa ako ng ulan but I have this urge feeling na tulungan ang taong ito. Gamit ang flashlight na hawak ng aking driver, inilawan niya ito at namilog ang aking mga mata nang makita ang malalang mga sugat at pasa nito sa katawan. Hinawi ko ang mahabi niyang buhok na tumatakip sa kanyang mukha at lalo pa akong nanlumo sa itsura nito. Agad ko itong binuhat at dinala sa loob

